KAHIT MAY BIKINI POSTS: Isyung buntis si AJ Raval, hindi pa rin mamatay-matay

MAHIGIT isang buwan nang usap-usapan na nagdadalang-tao ang Vivamax sexy star na si AJ Raval, pero hanggang ngayon ay itinatanggi ito ng kanyang kampo.

Kamakailan lang ay nagpost si AJ ng ilang larawan kung saan kitang-kita na flat ang kanyang tiyan, pero tila hindi kumbinsido ang mga followers niya. Nanindigan si Ms. Cristy Fermin na buntis ang aktres at ang boyfriend nito na si Aljur Abrenica diumano ang ama.

KAHIT MAY BIKINI POSTS: Isyung buntis si AJ Raval, hindi pa rin mamatay-matay
AJ Raval in white bikini

Nabalita rin na na-pack up ang taping ng ginagawang pelikula ni AJ with Diego Loyzaga and Angel Khang. Nagpositibo diumano ang aktres… sa Covid-19. As usual, marami ang hindi naniniwala.

Noong Martes ay nagpost si AJ ng mga larawan niya kung saan siya ay nakasuot ng white bikini sa beach. Hindi namin makumpirma kung bagong pictures ba ito o kuha na noon, pero duda ng ilan ay ito ang indirect way of the sexy star to deny the pregnancy issue.

Dahil sa pananahimik ni AJ ay lalong nagiging tsismosa ang mga sawsawera.

Pregnant or not, tuloy pa rin ang pagpapalabas ng bagong pelikula ni AJ Raval na pinamagatang ‘Sitio Diablo’, kung saan kasama niya sina Kiko Estrada, Azi Acosta, Benz Sangalang, Because at Pio Balbuena sa August 26 sa Vivamax.

Sa mga fans naman ni AJ Raval na miss na ang aktres, panoorin niyo na lang ang sexy series niya na Iskandalo o mag-marathon kayo ng AJ Raval movies. Keri ba?

Previous articleDonny Pangilinan at Belle Mariano bibida sa bagong Star Cinema movie
Next articleVLOG WATCH: A Day in the Life of Angelica Panganiban and Greg Homan (so sweet!)