Kahit maglupasay pa sa sahig
Cristine Reyes, hindi mapapatawad ni Ara Mina!

<b>Kahit maglupasay pa sa sahig </b><br>Cristine Reyes, hindi mapapatawad ni Ara Mina!

<b>Kahit maglupasay pa sa sahig </b><br>Cristine Reyes, hindi mapapatawad ni Ara Mina!NAG-PUBLIC APOLOLOGY na nga si Cristine Reyes sa kanyang Ate Ara Mina, pero wa-epek ito sa actress maging sa viewing public pati na rin sa media. Wala sa loob ng sexy star ang pag-hingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa niya sa nakatatandang kapatid. Mismong si Ara ang nag-request kay Cristine na mag-public apology kung gusto niyang magkaayos silang magkapatid na ginawa naman nito sa The Buzz. Pera ang pinag-ugatan ng alitan ng magkapatid.

Imbes na makuha ni Cristine ang simpatiya ng mga tao, maging ng entertainment press, lalo lamang nainis ang mga ito sa dalaga. Wala sa puso niya ang paghingi ng tawad. Maging si Ara, hindi kumbinsido na sincere nga ang mga binitawang salita ng bunsong kapatid. Wala kasi nakitang sinseridad sa mga naging pahayag nito. Maging kami’y hindi namin naramdaman kung taos-puso ang pag-hingi niya ng tawad sa mga kasalanang nagawa niya sa nakatatandang kapatid. Sinabi pa nito na kung kailangang lumuhod siya sa harapan ni Ara, gagawin niya, mapatawad lamang siya. Sorry na lang Cristine, kahit maglupasay ka sa sahig hindi kumbinsido si Ara sa ginawa mong public apology.

Alam kasi ni Ara, maging ng publiko, na kaya nag-public apology si Cristine ay para iurong nito ang demanda. Inamin ng actress na napanood niya ang mga sinabi sa kanya ng kapatid. Hindi raw sigurado si Cristine kung nasaktan siya nito. Hindi rin inamin ng sexy star ang mga nagawa niyang pagkakamali at parang wala lang ang mga nangyari sa kanilang magkapatid. Pero para kay Ara, sobrang sakit ang naramdaman nito sa mga paninirang-puri sa kanya ni Cristine. Kung sa Ate Ara niya, nagawa niya ang bagay na ito, hindi malayong magawa rin niya ito sa kanyang mga kaibigan.

Nagbigay ng opisyal na pahayag si Ara Mina about the issue. “Nag-apologize na raw ang aking kapatid na si Cristine Reyes. Napanood ko ang sinabi niyang public apology at hindi kumbinsido na ito ay bukal sa kanyang loob. Hindi man lang siya sigurado kung nasaktan niya ako. Tila may paghuhugas-kamay sa kanyang statement. Walang maniniwala sa taong humihingi ng tawad kung hindi man lang niya alam kung ano ang kanyang nagawang mali. Simple lamang ang aking kahilingan, aminin niyaang siya ay nagkamali saka siya humingi ng tawad.

<b>Kahit maglupasay pa sa sahig </b><br>Cristine Reyes, hindi mapapatawad ni Ara Mina!

“Sa mga sinabi niya sa kanyang interview, nag-sorry siya dahil baka nasaktan daw niya ako. Hindi pa rin niya inamin ang kanyang mga ginawa sa akin at hindi ko makitang natuto na siya sa mga nangyari. Masakit ang sugat na ginawa ng kanyang mga paninira sa akin. Sinisiraan niya ako sa maraming tao. Matagal na panahon at napakaraming paghihirap ang aking dinanas para lamang mapanatiling maayos at iginagalang ang  aking pangalan.

“Bilang nakatatandang kapatid ni Cristine, gusto ko siyang turuan ng isang panghabambuhay na leksiyon. Sinabi ko na dati na ayaw ko siyang makulong. Mahal ko ang aking kapatid, kaya gusto ko siyang matuto. Sa kasalukuyang mga pangyayari, mukhang hindi pa rin niya ito natututuhan. Anumang sugat ay napaghihilom ng panahon. Subalit ang pagpapatawad ay ibinibigay sa taong nagsisisi at humihingi ng tawad,” malaman na pahayag ni Ara Mina.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield