Kahit mag-Inglesan na parang sosyal
Mga Barretto, super cheap sa batuhan nila ng mga baho

ADVERTISING

<i>Kahit mag-Inglesan na parang sosyal</i><br>Mga Barretto, super cheap sa batuhan nila ng mga baho<i>Kahit mag-Inglesan na parang sosyal</i><br>Mga Barretto, super cheap sa batuhan nila ng mga baho

UMABOT NA sa mapanghinging banyo ang awayan ng mag-pamilya Barretto.

Kampi-kampihan na sila. Lahat sila walang kasing panghi ng iniihi nila at idinudumi sa publiko.

Si Claudine, kakampi niya ang mga magulang at nakatatandang kapatid na si Gia while si Gretchen, kakampi ang nakatatandang kapatid na si Joaquin (Jay Jay) at Marjorie.

Tapunan na sila tae at ihi na masasangsang na bilang mga mga balahurang mga tao, enjoy na enjoy nila na magsiraan sa harap ng publiko.

ADVERTISING

Itong ina nila na si Mommy Inday, ayaw pa ring tuimigil at bumubula pa rin ang bibig sa pagsasalita ng kung anu-ano na nakasisira sa kanyang anak.

Kung matino ba naman bilang ina, siya dapat ang pacifier sa awayan ng mga anak niya. Huwag siyang pumanig, siya ang pumagitan kung ano man ang alitan nina Claudine at Gretchen.

Pero sa awayan ng dalawang kampo, napansin n’yo ba na nagsalita si Gretchen para ipagtangol ang kanyang sarili?

Magaling si Greta o kung sino man ang kumakamada behind Gretchen’s move to keep mum on the word ward. Sila-sila ang nag-aaway na sa bandang huli, imahe pa rin ni Gretchen na sosyalera, hindi mapagpatol, tahimik at may respeto sa kanyang ina at nakatatandang mga kapatid ang lulutang pagkatapos ng giyera.

Ang nagsasalita at dumedepensa sa kanya ay ang kapatid niyang si Joaquin; ang kaibigan at dating classmate niya sa Colegio de San Agustin-Makati na si Tanya Montenegro (na inaakusahan ni Mommy Inday na binayaran ni Gretchen); si Robbie Tan at Mother Lily Monteverde na mga movie producers niya.

Pero sa kampo ni Claudine, sino ang dumedepensa sa kanya at sa estado nila nina Mommy Inday at Gia laban sa kampo ni Gretchen? Si Mommy Inday lang at si Gia na may tonong yabang ang dating sa amin ng isa-isahin niya ang mariwasang buhay nila noon na pinabulaanan naman ni Tanya sa isang taped interview nito sa The Buzz last Sunday.

Hindi titigil ang batuhan ng masasangsang na bala laban sa kanya-kanyang kampo kung hindi titigil si Mommy Inday at sabihin sa mga anak na tumigil na.

Dapat mamagitan na at magsalit na ang ama nina Claudine at Gretchen at iparamdam ang papel niya sa pamilya na siya ang ama nila (kung may respeto ang mga anak sa kanya).

Bago mangyari ito, the mother should make a stop. Tigilan na ni Mommy Inday ang pagpuputak laban katy Gretchen para wala nang sasaguting issue si Joaquin in defense of his younger sister.

Sa totoo lang, after this scandal, ano pa kaya maipagmamalaki ng Barretto family sa publiko na ang mga tagamasid, naaawa man sa kanilang mga sitwasyon ay natatawa na lang.

Inglesan man sila ng Inglesan sa kanya-kanyang mga akusasyon at depensa na nagmumukhang sosyal nga naman, pero iisa pa rin ang sasabihin namin, ang mga Barretto, SUPER CHEAP!

 

PARANG KAILAN lang na minsan, naging malaking selebrasyon ang naganap sa Ormoc City kung saan ginawa ang kasal ng isang simpleng probinsiyana na si Lucy Torres at ang sikat na artista na si Richard Gomez noong 1998.

It was 15 years ago last Sunday nang ikasal sina Lucy at Goma sa isang tahimik na lunsod sa Kabisayaan na binulabog ng mga taga-showbiz nang dumalo ang mga kaibigang artista ni Goma sa kanyang kasal.

Noong Sunday, simpleng selebrasyon lang ang naganap na nagsimba lang ang mag-asawa kasama ang anak na si Juliana sa simbahan kung saan sila ikinasal.

Busy kasi ang mag-asawa sa kanilang pangangampanya para sa mid-term elections na almost 15 days na lang kung saan Lucy is running for reelection while Goma naman as Mayor of Ormoc.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING