Kahit hirap sa Tagalog
Sam Milby, performance level ang acting sa serye

ADVERTISING

<i>Kahit hirap sa Tagalog</i><br>Sam Milby, performance level ang acting sa serye

<i>Kahit hirap sa Tagalog</i><br>Sam Milby, performance level ang acting sa seryeBLIND ITEM: Dumating sa taping ng kanyang serye ang young actor nang nakatsinelas.

In fairness, ma-PR naman sa crew, sa staff at sa mga kasamang artista ang young actor, pero hindi naman ‘yon ang issue.

Halos lahat ay napapatingin sa gawing ibaba ng kanyang katawan – sa bandang paanan – na nakapukaw ng atensiyon ng mga staff.

Bulong ng isa, “Tingnan mo ‘yung paa nu’ng isang crew. Tapos, tingnan mo ‘yung paa ni ____.

ADVERTISING

“Ngayon, pagkumparahin mo ang paa nila, kanino ang mas malinis?”

Juice ko, ang dumi raw ng kuko sa paa ng young actor. Parang puwede na raw tamnan ng kamote ‘yung lupa sa ilalim ng nails nito.

“Saka ‘yung paa, Papa O, ‘yun mismo ang marumi. Hindi man lang ipa- foot scrub eh, artista pa naman siya, ‘di ba?

“Pinagtsitsismisan tuloy siya sa set.”

Meron pang isang reklamo sa young actor. “Sana, minimize niya ang smoking. Grabe! Ang itim na ng bibig niya at pati gums niya, umiitim na rin.”

Oh, well…  sana nga mabasa ito ng young actor kung totoong may kuwenta sa kanya ang reklamong ito ng mga kasamahan niya.

 

“HI, KUYA Ogie! Me mini-presscon ako para sa bagong season ng Moments na co-produced ko. Sana support mo naman ako bilang bagong produ. Ang guests ko for this season ay celeb couples like Juday-Ryan, Sen. Grace Poe-husband Mr. Neil Llamanzares, Sen. Bong Revilla & Congresswoman Lani Mercado at iba pang celeb couples.”

Kabuntot na du’n ang pakiusap ni Gladys na “for the love” lang ang pagtulong namin sa kanya.

Sabi nga namin sa aming kumare, kahit kelan ay hindi namagitan ang pera sa aming friendship.

And honestly, natutuwa kami sa kumare naming ito dahil “business-minded” na rin siya ngayon.

 

IN FAIRNESS to Sam Milby, kahit hirap siya sa Tagalog ay hindi naman nagsa-suffer ang kanyang character at performance sa “Huwag Ka Lang Mawawala” bilang “unpredictable” na asawa ni Judy Ann Santos at hinahabul-habol ng kababatang si KC Concepcion.

Maging ang pagkasunud-sunuran niya kay Tirso Cruz III bilang anak ay ramdam mong wala siyang choice.

Sana lang talaga ay pag-igihan ni Sam ang pag-aaral ng pananagalog para mas lalong maintindihan ng mga fans ang kanyang dayalog.

O kaya eh, magpiprisinta na kaming Tagalog coach niya para mapabilis ang pagkatuto niya.

Hindi namin hihingin ang kanyang katawan bilang kabayaran. Dahil kumpare namin siya sa third daughter namin.

Kaya ang hihingin na lang namin ay ex-deal.

Tuturuan namin siyang managalog. Tapos, tuturuan naman niya kaming mag-Ingles.

Hahahaha! Charot!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING