KAHIT HINDI PANGALANAN ANG “GATECRASHER”: ELNELLA fans, alam na si Elmo Magalona ang tinutukoy ni Jenine Desiderio sa blind item

ADVERTISING

KAHIT HINDI PANGALANAN ANG "GATECRASHER": ELNELLA fans, alam na si Elmo Magalona ang tinutukoy ni Jenine Desiderio sa blind item

KAHIT HINDI PANGALANAN ANG "GATECRASHER": ELNELLA fans, alam na si Elmo Magalona ang tinutukoy ni Jenine Desiderio sa blind item
Janella Salvador and Elmo Magalona

SA SIMULA pa lang ay may issue na ang singer na si Jenine Desiderio tungkol sa “relasyon” ng dalaga niya na si Janella Salvador at ka-loveteam na si Elmo Magalona.         

ADVERTISING

Noon pa man ay may litanya na ang madir sa katigasan ng ulo ng anak niya na pinapagalitan nito openly sa social media imbes na kausapin ng personal.

Sa simula, ang basa ko, ayaw ni Jenine kay Elmo para sa anak.

Dahil matigas ang ulo ng dalaga, sa socmed niya ito pinapagalitan na para sa akin ay pamamahiya ito sa anak.

ADVERTISING

Recently, may kuda si Jenine na nag-blind item pa sa kanyang socmed (Facebook account) at sinulat ng senior singer: “How dare you gate crash both sides of our family’s Christmas reunions. Do you really just do this as in come uninvited? And how could you enjoy knowing I did not come in knowing you were there,” pagkakasulat nito sa kanyang FB.

KAHIT HINDI PANGALANAN ANG "GATECRASHER": ELNELLA fans, alam na si Elmo Magalona ang tinutukoy ni Jenine Desiderio sa blind item
Jenine Desiderio with Janella Salvador

Dagdag nito: “My family’s too decent to make you leave but you think you’re welcome & accepted? Think again. If you can. #angkapal,” pagkakasulat niya. 

 May PM sa akin ng isang ElNella fan: “Kuya, kung may isyu siya kay Elmo, dapat kausapin niya si Janella. Kung si Elmo man ang tinutukoy niya na gatecrasher sa private family party niya, edukado naman si Elmo na darating sa isang event na hindi invited.

“Disenteng tao si Elmo. Malamang si Janella ang nag-invite sa kanya. Bakit naman niya ginagawa ito kay Elmo?” pagkasulat ng isang fan sa amin.

Sa ganang akin, umi-eksena lang si Janine na patunay ang katotohanan na sinusuway na siya ng anak.

Dahil hindi nito kaya supilan ang gusto ni Janella, sa social media niya tinitira na tuloy ay napapahiya ang dalaga at nalalagay sa kahihiyan.

Di nga ba’t ang daming kuda ni madir lalo pa’t dini-deadma diumano siya ng dalaga?

I’m sure, baka tuluyan na lumayas ang dalaga sa ina pag napikon na ito.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING