Kahit halatang love na rin si Xian Lim
Kim Chiu, ayaw pa ring bumigay

ADVERTISING

<i>Kahit halatang love na rin si Xian Lim</i><br>Kim Chiu, ayaw pa ring bumigay

<i>Kahit halatang love na rin si Xian Lim</i><br>Kim Chiu, ayaw pa ring bumigaySA ITSURA, mabait si Kim Chiu. Maging ang mga kasamahang reporter na nasundan ang karir niya, iisa rin lang ang obserbasyon nila sa dalaga, walang ipinagbago kahit sikat na at masasabing isa sa mga prime artist ng Star Magic, Kapamilya Network at ng Star Cinema.

Sabi nga, mabait siya at hindi nilamon ng kasikatan. Kaya nga ang daming nagmamahal sa kanya.

Kuwento niya sa presscon ng Wansapanataym para sa kanyang month long episode na My Fairy Kasambahay; akmang-akma kay Kim ang kuwento. It’s about dreams and fairy tales na magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin ng pangangarap niya.

May nagkuwento sa amin, maganda raw makisama si Kim sa mga kasambahay. Mula sa kasama nila sa bahay at ang kanyang personal assitant, nagtatagal sa kanya.

ADVERTISING

“Cebuano ang salita namin sa bahay,” kuwento niya.

Sort of a tribute nga raw ni Kim ang month long serye niyang ito para sa mga naging kasambahay nila. Mula sa katulong hanggang sa hardinero at driver; mula nang magsimula siya sa showbiz na hindi pa siya sikat, magpasahanggang ngayon ay nasa kanila pa rin ang mga ito.

Sa edad ni Kim na “loveless” pero loved naman siya (from Gerald Anderson to Xian Lim); tila ayaw pa ring bumigay ng dalaga.

Pang-iintriga nga ng press sa kanya, if given a change na mag-wish kung alin sa buhay niya ang nawala na gusto niyang maibalik; simple lang ang sagot niya na may pagdaramdam – ang kanyang ina.

Inaakala nga namin ay si Gerald ang isasagot niya na gusto niyang bumalik pero mali pala.

Para kay Kim, ang nawala, hindi na kailangang balikan. “You need to move on,” sabi niya.

Nagtataka lang ako kung at the age of 23 ay wala pa ring boyfriend si Kim. Kung sa bagay, aminin man niya o hindi na nae-enjoy niya ang company ni Xian, ang basa ng marami, love na rin niya si Xian. Ayaw lang niyang bumigay dahil sa mga pangarap pa niya.

 

Gerald Anderson, tuluy-tuloy ang buhos ng suwerte

 

NICE TO learn na Rated A ang pelikulang  On The Job (OTJ) nina Gerald Anderson, Joel Torre at Piolo Pascual.

Kapag bumuhos nga naman ang suwerte at magagandang bagay, tuluy-tuloy at walang patid.

Kaya nga happy si Gerald na ang tag ko ay Brad Pitt ng Pilipinas dahil pagkatapos ng OTJ, sa telebisyon naman siya mapapanood simula sa Lunes via Kapamilya Network’s Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ito ‘yong serye na sa simula ay si Maricel Soriano ang makakasama niya na nagkaroon ng problema sa set, pinalitan agad-agaran si Maria at si Dawn Zulueta na nga ang bida kasama sina Cristine Reyes at ang pabulosang si Dina Bonnevie.

Kung good boy ka naman kasi, malapit ang suwerte sa ‘yo lalo pa’t matiyaga ka at pursigido.

Kaya nga sa magandang estado ng career ngayon ni Gerald, ang lovelife niya with Maja Salvador ay hindi sentro ng buhay niya ngayon which is tama lang naman.

Ang suwerte, pamisan-minsan lang kumakatok ‘yan kaya habang ratsada, grab the opportunity.

By the way, sa bagong serye, magsasama ang dalawang mag-ex na sina Cristine at Rayver Cruz, na sabi, hindi naman daw nagkailangan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING