Kahit gustung-gustong mag-artista ng anak Piolo Pascual, ayaw pa ring payagan si Iñigo

ADVERTISING

Kahit gustung-gustong mag-artista ng anak Piolo Pascual, ayaw pa ring payagan si Iñigo

Kahit gustung-gustong mag-artista ng anak Piolo Pascual, ayaw pa ring payagan si Iñigo

SA DINAMI-RAMI ng mga isyu at kontro-bersiyang naipukol na kay Piolo Pascual, tanggap ng aktor na bahagi na ito ng industriya. At para sa kanya, ang mahalaga ay may pananampalataya siya sa Diyos na pinanghahawakan niya kaya ‘di siya nabubuwag.

Ayon din sa aktor, may kapayapaan siya na nakatutulog siya nang mahimbing gabi-gabi. Makahulugan ang sinabi ni Piolo na hindi siya palaaway na tao at bahala na ang iba na mag-isip at makipag-away, dahil okay lang siya at wala siyang problema.

Hindi naging maganda ang kinauwian ng relasyon nila ng ex-girlfriend na si KC Concepcion, pero nang tanungin namin kung bukas pa ba siya sa panibagong pakikipagrelasyon, agad naman kaming sinagot ni Piolo na hindi siya nagsasarado ng pinto sa tawag ng pag-ibig, at bilang isang tao ay nakararamdam din naman siya ng pangangailangan na magmahal at mahalin.

ADVERTISING

Naniniwala ang aktor na hindi lahat ay kayang ibigay ng trabaho sa kanya, pero hangga’t wala pa at kaya pang magtrabaho, pokus muna siya sa showbiz career at naghihintay na lang sa pagdating ng tamang tao para sa kanya sa oras na tinakda ng nasa Itaas.

Naugnay ang kanyang pangalan kay Cristine Reyes na kasama sa seryeng Dahil Sa Pag-ibig, kung saan siya ang naiturong rason noon kung bakit nagkalabuan daw ito at ang boyfriend na si Rayver Cruz. Aminado si Piolo na nagagandahan at nagagalingan sa aktres, pero ngayon ay naklaro na rin ang pangalan na wala itong katotohanan dahil alam naman ng lahat na hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang relasyon nina AA at Rayver, at magkaibigan silang dalawa ng aktor.

Consistent pa rin si Piolo na ayaw payagan ang anak na si Iñigo na pumasok sa showbizness, at mas gusto niyang tapusin nito ang pag-aaral kahit pa nga gustung-gusto ng anak na mag-artista. Sa ngayon ay nasa bansa ang anak at madalas ay kasama niya ito sa tapings at shootings.

Masaya at malungkot sa pagtatapos ng seryeng Dahil sa Pag-ibig, kung saan hinangaan ng publiko ang galing na pinakita ng buong casts nu’ng nakaraang Biyernes, pagkatapos nito ay magsisimula na ring mag-taping ng isa pang panibagong soap si Piolo, ang Apoy sa Dagat, kung saan makakapareha niya muli si Angelica Panganiban.

 

BILANG ISA sa tagahanga ni Tito Dolphy, natutuwa kami at bumubuti ang kalusugan sa ngayon ng Comedy King, kung saan hindi pa man nagsasalita ay nakikipagbiruan na raw ito sa pamilya. Para kay Eric Quizon, spokesperson ng pamilya, isang himala talaga ang nangyari, kung saan maging sila ay hinanda na ang mga sarili sa kung anuman ang mangyayari sa ama.

Wala talagang hindi nakukuha sa dasal kung saan ang buong industriya ay taimtim na nagdasal para sa kaligtasan ni Tito Dolphy. Nga-yong bumubuti na ang kalagayan ng aktor, sana ay pursigihin na ang pagkakaloob ng National Artist award sa Comedy King at hindi isa-santabi na naman ito na ugali ng marami sa atin.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING