Kahit gusto nang magsalita para ipagtanggol ang sarili
Raymart Santiago, mas iniisip ang kapakanan ng mga anak

ADVERTISING

<i>Kahit gusto nang magsalita para ipagtanggol ang sarili</i><br>Raymart Santiago, mas iniisip ang kapakanan ng mga anak

<i>Kahit gusto nang magsalita para ipagtanggol ang sarili</i><br>Raymart Santiago, mas iniisip ang kapakanan ng mga anakAS OF presstime, inaayos namin ang exclusive interview namin ni Ricky Lo kay Raymart Santiago para sa Startalk.

Matagal nang gusto ni Raymart na magsalita para maipagtanggol naman nito ang kanyang sarili, pero nag-aalangan pa ito dahil mas iniisip kasi niya ang kanyang mga anak.

Ang dami nang nasabi ni Claudine Barretto sa media, dahil ilang beses na siyang nagsampa ng kung anu-anong kaso laban kay Raymart, pero tahimik lang ang aktor.

Mas nirerespeto nito ang gag order mula sa korte, kaya tahimik lang siya at hindi na sinasagot ang mga patutsada ni Claudine pati ang abogado nitong si Atty. Ferdie Topacio.

ADVERTISING

Napag-usapan na kasi namin noon pa kung ano lang ang puwedeng sabihin ni Raymart pero nag-aalangan pa rin ang aktor dahil mabuting sundin na lang daw ang utos ng korte.

Nu’ng kamakalawa ng hapon ay nagkaroon uli ng hearing sa Permanent Protection Order at na-reprimand na raw sila ng judge dahil sa patuloy na pagpapa-interview nila.

Pati nga raw si Atty. Topacio, napagsabihan na rin ng judge kaya tahimik na sila at hindi na nila sinasagot ang mga tanong ng media.

Pero sinasabi lang ni Raymart na nami-miss na raw niya nang husto ang mga anak niya, kaya gustung-gusto na niya sanang makita ito.

Nu’ng na-hospital sina Sabina at Santino, hindi man lang madalaw ni Raymart dahil nga sa kaso nila.

Hindi rin masagot ni Raymart kung nagpadala ba siya ng tulong sa hospital bill ng mga bata dahil baka makaapekto pa ito sa kaso.

Pero nahihirapan na raw siya dahil gustung-gusto na raw sana niyang makita ang mga bata. Ang dating naman kay Claudine, parang kaplastikan lang daw ito ni Raymart dahil hindi naman daw siya ganu’n.

<i>Kahit gusto nang magsalita para ipagtanggol ang sarili</i><br>Raymart Santiago, mas iniisip ang kapakanan ng mga anakEwan ko lang, ha? Parang mas naniniwala talaga ako kay Raymart. Kaya sana nga matapos na ‘tong kaso at mapagbigyan naman ang aktor na makita man lang ang mga bata.

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas, dahil may kuwento pa rin kami tungkol diyan.

 

PURING-PURI PALA ni Lorna Tolentino si Lauren Young na gumaganap na anak niya sa Genesis.

Hindi naman yata regular doon si Lauren, na parang guest lang naman yata siya sa bagong drama series na ito ni Dingdong Dantes.

Ang regular show kasi ni Lauren pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin ay ang Dormitoryo na magsisimula na sa September 22, pagkatapos ng Sunday All Stars.

Ito yata ang kapalit sa Teen Gen, pero may pagka-mystery ito kaya naiiba siya sa mga typical na youth-oriented show.

In fairness, sa GMA 7 nagka-career si Lauren ha! Hindi naman siya napansin sa ABS-CBN 2, pero dito sa GMA bumongga ang career niya dahil magaling naman kasi ang batang ito.

 

LOVE NAMAN talaga ni Wilma Galvante si Raymond Gutierrez kaya kinuha niya ito sa TV 5 at kinuhang main host sa bagong showbiz-oriented talk show ng Kapatid Network.

Bukas na rin magsisimula ng alas-sais ng gabi, kaya pagkatapos n’yong mag-Startalk, silipin ‘nyo na rin kung okay itong Showbiz Police ng TV5.

Si Raymond ang inaabangan dito dahil kauna-unahang talk show niya sa labas ng GMA-7.

Tumatanaw naman ng utang na loob si Raymond sa GMA-7 dahil dito talaga siya nahasa sa hosting, at nagagamit na niya ngayon sa labas.

Excited nga raw siya sa pilot episode nila dahil ang kapatid niyang sina Richard at Ruffa Gutierrez ang special guests niya.

Alam ko nagprisinta talaga ang dalawa na sila na ang guests nito sa first appearance niya sa TV5.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING