Kahit Cum Laude graduate: Myrtle Sarrosa, patuloy ang pagbongga ng showbiz career!

ADVERTISING

Kahit Cum Laude graduate: Myrtle Sarrosa, patuloy ang pagbongga ng showbiz career!

Kahit Cum Laude graduate: Myrtle Sarrosa, patuloy ang pagbongga ng showbiz career!
Myrtle Sarrosa

PUMIRMA ng bagong kontrata si  Myrtle Sarrosa sa Sisters sanitary napkin and pantyliners bilang celebrity endorser. Ni-renew siya ng Megasoft company dahil sa pagiging epektibong endorser nito.

Isinabay sa muling pagmirma ni Myrtle Sarrosa ng bagong kotrata ang congratulatory lunch  nila para sa dalaga dahil na rin sa pag-graduate nito ng cum laude sa UP Diliman sa kursong Broadcasting Communication.

Kahit cum laude graduate, mas gusto munang i-pursue ni Myrtle ang career niyang bilang artista.

Gusto ko talagang ituloy-tuloy ‘yung acting and hosting and performing so sana tumuloy-tuloy,” aniya.

ADVERTISING

“Saka ko na lang po siguro ipa-practice yung natapos ko o maging broadcaster, writer, kahit ano po. Ang gusto ko muna talagang gawin ay umarte,” diin pa ng dalaga.

Wala rin daw siyang balak na sukuan ang pangarap niya.

“Siguro pinapahinog lang ako or nag-aantay lang talaga ng proper timing. I’m just waiting for that,” katwiran pa niya.

Dagdag pa ni Myrtle,  “Before, nagkaroon na ako ng almost opportunity to do a lead role sa ABS. Hindi siya natuloy and before, tinatanong ko ‘yun bakit ‘di siya natuloy pero ngayon, na-understand ko na. Siguro, may ibang plan pa sa’kin si God. May  ibang timing siguro Siya para sa akin.”

Masaya ring ibinalita ng dalaga na pagkatapos niyang maging part ng hit series na La Luna  Sangre ay may ginagawa siyang dalawang pelikula sa Regal Films.

“Secret po muna yung title. Baka kasi bawal pang sabihin. Second lead po ako do’n,” kuwento pa niya.

 
 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING