KAHIT BUSY SA TV COMEBACK: Julia Montes, pasok pa rin sa Dean’s List

MARAMING dahilan ang mga loyal fans and supporters ni Julia Montes na magdiwang ngayon. Maliban sa pagpasok niya bilang Mara sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinapanabikan na gabi-gabi, hindi pa rin nito pinapabayaan ang kanyang academics.

Sa kanyang Instagram post ay masayang ibinalita ni Julia (Mara H. Schnittka sa tunay na buhay) na qualified siya sa Dean’s list para sa second semester of Academic Year 2020-2021.

KAHIT BUSY SA TV COMEBACK: Julia Montes, pasok pa rin sa Dean's List
Julia Montes

“Gusto ko lang po magpasalamat kay GOD sa lahat ng blessing na binibigay Niya sa ‘kin na nakakapag-aral po ko habang nagtratrabaho,”

“Thank you sa family ko, sa mga professor ko at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa ‘kin dahil kayo po ang inspiration ko para matupad lahat ng dreams ko. Thank you God,” sulat nito sa kanyang caption.

Maliban sa mga fans ni Julia ay nagbigay din ng pagbati sina Angel Locsin, John Prats, Jodi Sta. Maria, Melissa Ricks, Maxene Magalona, Teresa Loyzaga at marami pang iba.

Kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management sa Southville International School and Colleges ang aktres.

Nakakatuwang isipin na kahit na nagbalik na si Julia sa pagiging aktibo sa showbiz ay nababalanse niya pa rin ang kanyang academics. Magandang ehemplo ang Kapamilya star sa mga kababayan natin na nagnanais pa rin ituloy ang kanilang pag-aaral. Tulad nga ng sabi nila, unpredictable ang showbiz kaya mas mainam na rin na meron ka pa rin fallback.

Congratulations and keep it up, Julia!