KAHIT BUSY SA PROMO NG ELNELLA MOVIE: Elmo Magalona at Janella Salvador, nakapag-date pa rin!

ADVERTISING

KAHIT BUSY SA PROMO NG ELNELLA MOVIE: Elmo Magalona at Janella Salvador, nakapag-date pa rin!

KAHIT BUSY SA PROMO NG ELNELLA MOVIE: Elmo Magalona at Janella Salvador, nakapag-date pa rin!
Elmo Magalona and Janella Salvador

BONGGA. Mukhang seryosohan na talaga ang kina Elmo Magalona at Janella Salvador. Kumbaga, hindi na masasabi na pa-loving loving lang tulad sa mga “feelings” ng mga teen stars natin na nasa liga ng ElNella.

Kung ikaw ang babae na harap-harapan ay idedeklara ng binata on public television na ikaw lang ang kanyang “One and Only”, ano pa nga ba ang magiging reaction mo? I’m sure all smile at super kilig si Janella at ang mga ElNella fans worldwide naman ay naglulundagan na sa tuwa.

KAHIT BUSY SA PROMO NG ELNELLA MOVIE: Elmo Magalona at Janella Salvador, nakapag-date pa rin!
Elmo Magalona and Janella Salvador’s Valentine’s Date

Sa show ni Kuya Boy Abunda ay guest sina Elmo at Janella to promote their Valentine movie na My Fairy Tail Love Story na nagsimula na ipalabas yesterday, February 14.

Matapang at proud si Elmo sa TWBA in declaring that “My One and Only” niya si Janella na kung sakaling buhay lang ang ama na si Francis Magalona ay ipinakilala na niya ang “mahal” niyang si Janella.

ADVERTISING
KAHIT BUSY SA PROMO NG ELNELLA MOVIE: Elmo Magalona at Janella Salvador, nakapag-date pa rin!
Elmo Magalona and Janella Salvador at the airport waiting for their flight to Puerto Princesa

Last night, naihabol din ang Valentine’s date ng dalawa after ng kanilang super hectic schedule yesterday in promoting their film na siksik sa kilig about mermaids at ang unconditional love.

Habang isinusulat namin ito ay nasa Puerto Princesa, Palawan naman sina Elmo at Janella para i-promote ang kanilang pelikula.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING