KAHIT BUMABAGYO: Friends and fans ni Kris Aquino, todo ang suporta sa ‘I Love You, Hater’

ADVERTISING

KAHIT BUMABAGYO: Friends and fans ni Kris Aquino, todo ang suporta sa 'I Love You, Hater'

KAHIT BUMABAGYO: Friends and fans ni Kris Aquino, todo ang suporta sa 'I Love You, Hater'
Kris Aquino with Kim Chiu, Angel Locsin, Bimby and Julia Barretto

READING between the lines sa mga postings ng Queen of All Media na si Kris Aquino, tila may problema siya. Hindi ko matukoy pero sa mga postings niya online, mababasa mo ang mensaheng gusto niyang itawid sa milyones  na mga followers niya.

ADVERTISING

Sinulat nito na “disappointed” siya sa first two days box-office result ng pelikula niya with Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ayaw niya masira ang box-office track record ng JoshLia kaya gumawa siya ng paraan to boost the film.

            Sa IG post niya, Kris wrote: “Warning Mahaba: hindi po ako humingi ng favors for “I Love You Hater” because at this point- ayokong ilagay ang tinuturing kong KONTI pero totoong kaibigan sa alanganin.

ADVERTISING

            “#satruelang I was disappointed sa 1st 2 days kasi ‘di nakakahiya yung finished product & i gave all to #Sasha,”pagmamalaki niya sa pelikula nila,

            “Mostly ayokong sirain ang box office track record ng #joshlia. Then Friday, 1 by 1 nag send ng pics through iMessage & Viber lahat ng kusang nanuod, mga barkada at pamilyang sabay2 nagbayad at nanuod.

            “Habang binabantayan si kuya (Josh) – may friend akong simpleng nagsabi na may pa block screening sya next week; may kaibigan na nanlibre ng staff of 20 para bonding nila, may mayor na pina happy ang constituents nya, may friends na umuwing Nueva Ecija & 18 silang nanuod, companies na nagpa abot regarding how many tickets they reserved for their employees.

“A designer friend said treat nya lahat ng workers nya to watch tomorrow, a PR company KCAP works with reserved 4 block screenings. 2 big bosses messaged last night to say they made time to watch. More friends & companies bought block screenings, but their marketing bosses watched today w/ their families.”

Hindi nagtatapos ang magandang pagbabalita ni Kris tungkol sa suporta ng mga kaibigan at supporters niya.

Next, may isang true friend na nag-text sa kanya na bumili ng 20 block screenings para sa kanyang mga empleyado at pamilya a SM Cinemas next week (this week yun).

Sa haba ng pagbabalita at pasasalamat ni Kris sa sumusuporta at susuporta pa sa pelikula nila nina Joshua and Julia ay patunay lang na sa mundo ni Tetay ay madami pa rin siyang mga kaibigan na susuporta sa kanya sa panahon ng alanganin.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING