Kahawig ni Aiza Seguerra ang bagong dyowa ng kanyang ex-GF!

ADVERTISING

Kahawig ni Aiza Seguerra ang bagong dyowa ng kanyang ex-GF!

Kahawig ni Aiza Seguerra ang bagong dyowa ng kanyang ex-GF!HINDI GULAT kundi pagkairita ang lumukob kay Aiza Seguerra sa da-ting girlfriend of seven years na bigla na lang susulpot sa kawalan at sasabihing break na sila.

Pitong taon din, ayon kay Aiza, na itinago nila ni Chen Sarte (who also used to manage her career) ang kanilang relasyon. Pero October last year pa raw nang magkahiwalay sila, eh, ano’ng petsa na ngayon? Bakit ngayon lang daw nagsalita si Chen tungkol sa isa nang lumang isyu?

Ayon sa aming source, hindi nagtagal ay nakatagpo na rin daw si Chen ng ipinalit kay Aiza who is also her (Aiza’s) spitting image, yes, hawig na hawig daw sa dati niyang dyowa! And what about Aiza, totoo nga kayang she and her former protégé (from Cagayan de Oro who won in Protégé) are playing sweet music together (pero wala silang semblance ni Chen)?

Ramdam namin kung saan nanggagaling ang pagnanais ni Aiza na ibalato sa kanya ang kanyang privacy. As the cliché goes, what you see is what you get. Aiza does not have to announce to the whole universe that she’s a certified LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) member.

ADVERTISING

Exposing her private life in public is not part of the “package deal”, na kapag kumpirmadong bakla o tomboy ang isang tao ay puwede na rin niyang ipangalandakan ang kanyang personal na buhay.

Habang umeere ang kuwentong Aiza-Chen sa Startalk TX nitong Sabado, tahimik na nanonood lang si Joey de Leon na isang dipa lang ang layo namin mula sa aming kinatatayuan. Of course, Tito Joey has been very close to Aiza since she won Little Miss Philippines in Eat… Bulaga!

Pagkatapos ng VTR, ikinuwento sa amin ni Tito Joey ang isang insidenteng sariwa pa sa kanyang alaala hanggang ngayon. “Three years old lang noon si Aiza, pinag-drawing ko siya. Wala lang, para sina-psychologize ko siya, hanggang nga-yon nga, eh, nakatago pa sa akin ‘yung idinrowing niya. Alam mo kung ano ‘yung drawing niya? Isang lalaking naninigarilyo.”

Whatever Aiza’s illustration meant, it yielded a slice of her personality that became evident years later.

FIRST TIME na nagsama sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban in one Star Cinema project, ‘ika nga, a screen partnership which is long overdue.

Playing a funny, odd couple in Star Cinema’s 19th anniversary offering na Every Breath You Take, hindi na pinalampas ni Angelica ang pagkakataong ‘yon to work with admittedly one of her few biggest crushes in showbiz. “Mag-inarte pa ba ‘ko?” pag-amin ng aktres.

Of Piolo’s physical features, ang pinakaikinabaliw ni Angelica sa aktor ay ang katakam-takam na kili-kili nito na walang hiya-hiya niyang inamuy-amoy na kulang na lang ay sibasib ang ga-wing pangggigigil ng hitad. Also in the movie are several scenes kung saan for sure, the audience cannot get enough of Piolo who’s sexy in his boxer shorts.

Showing on May 16, Every Breath You Take is helmed by Mae Czarina Cruz.

 

TAMPOK SI Keanna Reeves bilang Celebrity Sawsawera sa episode ng Face To Face ngayong Biyernes na pinamagatang Dating Starlet Tuloy Pa Rin Ang Booking, Kaya Asawa Niya, Siya Ay Nabu-king! Naka-relate kasi ang hitad sa kuwento ni Nicole, naging pambato dati ng Pegasus at pa-extra-extra sa pelikula, na ganu’n na lang kung pumatol sa iba’t ibang lalaki.

Bale ba, hindi nagpapabayad si Nicole sa natipuhan niyang boylet na si EJ, hitsurang may dyowa na siya sa katauhan ni Dennis. Ang nakaka-lukraine, mismong ang bahay na tinitirhan nila ni Dennis ang nagsisilbing motel na pinagdadalhan ni Nicole ng mga humahada sa kanya!

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING