KABOG! Bea Alonzo 2022 Tanduay Calendar Girl at 34 years old

MALAKING pasabog ang pagbunyag ng Tanduay para sa kanilang calendar for the year 2022. Kung noon ay nasanay na tayo na up-and-coming sexy stars ang nagpapasilip ng alindog para sa kanilang yearly anticipated calendar, ngayon ay isang superstar ang kanilang nakuha at ‘yun ay walang iba kundi si Bea Alonzo!

KABOG! Bea Alonzo 2022 Tanduay Calendar Girl at 34 years old
Bea Alonzo for Tanduay

Sa tagal na niligawan si Bea Alonzo na magpaseksi para sa men’s magazines o sa ilang endorsements, ito ang kauna-unahang pagkakataon na napapayag ang aktres na magpakita ng kanyang kaseksihan for the whole world to see!

At 34 years old, pinatunayan ni Bea Alonzo na kaya pa rin ng isang babae na maging independent, fierce and fearless! Her photos were tastefully shot at napaka-classy lang ng datng niya. It is a welcoming change na isang babae in her mid-thirtees ang napiling calendar girl ng Tanduay. Maganda rin itong entrada para kay Bea for 2022 dahil ika nga, ‘starting anew’ ito sa kanyang makulay na showbiz career.

KABOG! Bea Alonzo 2022 Tanduay Calendar Girl at 34 years old
Bea Alonzo

With that being said, nabalitaan namin na uumpisahan na ang shooting ng pelikula nila ni Alden Richards. Nasa Kapuso network na rin ang kanyang forever ka-loveteam na si John Lloyd Cruz. Will there be a teleserye for the three? Or will Bea Alonzo reunite with his Star Magic 15 batchmate Dennis Trillo na ayon sa kanya ay dream niyang makatrabaho? O may reunion project ba sila ni Dingdong Dantes na nakasama niya sa She’s The One? Will she also have a project with the Kapuso Primetime Queen Marian Rivera? So many questions and hopefully, we’ll find the answers by 2022!

Previous articleGOODBYE SHOWBIZ NA? Bela Padilla tuluyan nang lumipat sa London
Next articleSexy star Marinella Moran and foreigner husband nagkakalabuan?