Ka Freddie, umaasang babalik ang anak na si Maegan Aguilar at hihingi ng tawad

ADVERTISING

Ka Freddie, umaasang babalik ang anak na si Maegan Aguilar at hihingi ng tawad

Freddie-AguilarABANGAN N’YO rin pala sa Sabado ang exclusive na interview namin kay Freddie Aguilar. Sinagot niya ang lahat ng mga sinabi ni Maegan, pero hindi niya pinatulan ang anak niya.

ADVERTISING

Naniniwala si Ka Freddie na darating ang araw mahimasmasan din ito at babalik din sa kanya para humingi ng tawad sa lahat ng mga ginawa niya.

Sabi naman niya, si Maegan daw talaga ang palaban sa lahat na mga anak niya, kaya hindi na siya nagugulat sa mga ginawa nito.

“Ang pagkakamali ko lang, hindi ko sila pinatikim ng kahit na anong hirap nu’ng maliliit pa sila, kaya siguro ganu’n,” himutok ni Ka Freddie.

ADVERTISING

Pero mahal pa rin daw niya ito at darating ang panahong magkakaayos din daw sila.

 

CONGRATULATIONS SA Ang Dalawang Mrs. Real sa mataas na rating nito na nagsimula nu’ng nakaraang Lunes.

Maganda ang feedback sa pilot episode nito, kasi magaling naman si Andoy Ranay na direktor nito.

Ang unang napansin ko du’n, si Lovi na magaling doon. Bagay na bagay sa kanya ang role at talagang nagbi-Bisaya siya, ha! Isa kasi siyang Cebuana riyan kaya nag-aral talaga siyang mag-Bisaya.

In fairness kay Dingdong, lalo siyang gumuwapo du’n at magaling din siya.

Tingin ko marami ang susubaybay diyan dahil maayos ang pagkalatag ng kuwento.

Try n’yo lang panoorin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING