Ka-date si Lovi Poe sa Star Magic Ball Jake Cuenca, pagseselosin si Melissa Ricks?!

Ka-date si Lovi Poe sa Star Magic Ball Jake Cuenca, pagseselosin si Melissa Ricks?!

Ka-date si Lovi Poe sa Star Magic Ball Jake Cuenca, pagseselosin si Melissa Ricks?! NGAYON PALA, ALIGAGA na ang mga artista ng Kapamilya Network sa nalalapit na Star Magic Ball this coming September. Karamihan sa mga artista, nagpagawa na ng kani-kanilang gown sa mga sikat na fashion designers para sa nasabing big event ng ABS-CBN. Siyempre, bawat  isa  sa  kanila,  nanga-ngarap maging Star of the Night.

Naging sentrong usapan sina Jake Cuenca at Lovi Poe na magkaparehang darating sa Star Magic Ball. Ayon sa actor, walang masama kung Kapuso star ang magiging ka-date niya. Ipinagpaalam pa nga raw niya kay Johnny Manahan at pumayag naman daw ito. Naging maganda ang samahan nila habang ginagawa nila ang pelikula ni Mother Lily Monteverde. Magkasundo sila sa maraming bagay kaya mabilis nagkapalagayan ng loob.

Naikuwento kasi ni Jake ‘yung ball kay Lovi at tinanong nito ang dalaga kung okey sa kanyang maging date nito. Tutal naman wala siyang ka-date at para ma-experience din ng actress ang Star Magic Ball ng ABS-CBN. Medyo nahiya pa nga raw si Lovi, pero sa bandang huli, pumayag na rin daw ang dalaga. Ipinangako naman ni Jake na aalagaan siya at hindi iiwan sa tabi niya ang anak ni FPJ. Sa pagiging close nila, marami ang nagsasabing may namumuong something sa dalawa. Hindi man aminin ni Jake, obvious ang pagiging malapit niya sa magaling na actress.

Sa ngayon, pinagdidiinan ni Jake na friends lang talaga sila ni Lovi. Katatapos lang kasi ng break-up nila ni Melissa Ricks. He doen’t want to rush things, ini-enjoy raw nila ang friendship na mayroon sila at the moment.

Maging si Lovi ay nagpaalam din sa manager niyang si Leo Domingo at sa GMA Artist Center at pumayag naman ang mga ito. May halong kaba at excitement ang nararamdaman niya sa first date nila ni Jake kahit puro Star Magic talents ang makakasalamuha niya. Tiwala ang dalaga na hindi siya pababayaan ng actor kaya pumayag siyang maging ka-date nito. Kung may ligawang nagaganap sa kanila, itanong na lang daw kay Jake. Nag-start daw ang friendship nila habang ginagawa nila ‘yung movie ni Mother Lily. Nag-clik agad sila na parang they get along well at nagtuluy-tuloy ang kanilang communication through cellphone.

I’m sure, ngayon pa lang pinaghahandaan na ni Melissa ang paghaharap nila ni Lovi. Hindi ito magpapatalbog maging sa gown naisusuot niya sa special event ng ABS-CBN. Sino kaya kina Melissa at Lovi ang magniningning? May kirot pa rin kaya siyang nararamdaman sa ex-boyfriend niyang si Jake oras na makita niyang kasama nito si Lovi? Ano kaya ang magiging reaction ni Melissa kapag ipinakilala na ni Jake ang bagong babae sa buhay niya ngayon? Magbitbit din kaya ng ka-date si Melissa tulad ni Jake ? Maraming katanungan ang naglalaro sa aming isipan. Walang duda, magiging center of attraction sina Jake, Lovi at Melissa sa special event ng ABS-CBN. Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield