Justin Bieber, muntik nang makulong!

ADVERTISING

Justin Bieber, muntik nang makulong!

Justin Bieber, muntik nang makulong!MUNTIK NA PALANG makulong ang YouTube teenage singing sensation na si Justin Bieber sa Maryland, USA, matapos na batuhin ng water balloon ang isang State Trooper na nabasa ang pantalon.

ADVERTISING

Ayon sa nakalap na impormasyon, popo-sasan na sana si Justin ng galit na galit na officer na nabasa ang pantalon, bago pa maganap ang sold out performance ng singer, pero nagawang ayusin ng bodyguard nito ang gusot.

Nag-tweet pa umano si Justin kaugnay ng insidente, at sinabi nitong: “Still laughing. Great Day.”

Naganap umano ang insidente sa Maryland State Fair, kung saan ayon sa local news station na WBALTV: “Justin was horsing around with members of his staff outside a trailer, when one of the balloons hit a trooper’s gun belt and burst, and the other brushed a trooper on the chest but didn’t burst.”

ADVERTISING

Inilarawan ng spokesperson para sa state police na “inappropriate” ang ikinilos ni Justin, pero kinumpirma nito na wala ng inihaing incident report at wala ring ginawang iba pang aksiyon laban sa 16 na taong gulang na si  Justin at sa mga kasamahan nito.

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING