Justin Bieber kissing Sandara Park, viral sa net

ADVERTISING

Justin Bieber kissing Sandara Park, viral sa net

Sandara-Park-Justine-BieberFROM JOSEPH Bitangcol to Justin Bieber, sosyal talaga ang dating krung krung na si Sandara Park, ‘noh, Sir Dani? Matuk mong isang ‘JB’ na naman ang naugnay sa kanya ngayon. At hindi lang ito basta-bastang personalidad, kundi si Justin Bieber.

ADVERTISING

Nagiging viral na ngayon ang litrato ni Sandara kung saan hinalikan siya sa pisngi ng international singing sensation na si Justin. Ayon sa artikulong lumabas last October 11, sa www.allkpop.com na may titulong, ‘Justin Bieber loves the ladies and couldn’t resist the chance to give 2NE1‘s Dara a kiss on the cheek!,’ makikita rito ang nakangiting Sandara na hinalikan ni Justin sa pisngi.
Ayon pa sa article, “Korean-American celebrity jeweler Ben Baller shared on his Weibo, “Last night in the VIP room with Justin & Dara #heartbreaker,” along with the snapshot above of Justin Bieber going for a peck on the cheek. Dara looks pretty composed, considering the superstar cutie beside her who surprised her with a kiss.”

“All we can say for sure is that Justin Bieber is definitely having a lot of good times in Korea!”

Unang sumikat si Sandara sa Pilipinas matapos siyang maging runner-up noon sa Star Circle Quest. Naging mainit ang kanilang tambalan noon ni Hero Angeles at naging karelasyon din niya ang kapwa questor na si Joseph Bitangcol.

ADVERTISING

Umalis si Sandara sa Pilipinas noong lumamlam na ang kanyang karera, pero naging maingay ulit ang pangalan niya nang mapabilang sa Korean pop group na 2NE1 bilang Dara.

Sa ngayon, super sikat na si Sandara sa Korea. Samantala, si Joseph naman ay nasasangkot sa intriga dati na diumano’y nalulong sa droga na mahigpit naman nitong pinabulaanan. Sa isang panayam noon, naipakita pa sa video na nakatulog sa kanyang sasakyan si Joseph dahil naman sa kalasingan.

Sana, katulad ni Sandara ay muling makabalik si Joseph sa limelight para naman sa kanyang pamilya.

 

NGAYONG ARAW, October 14 gaganapin ang kasal ng dating TV5 Creative and Entertainment Head na si Sir Perci Intalan sa long-time partner nitong award-winning director na si Jun Lana sa New York. Matatandaang lumikha ng ingay noon nang mag-post ang dalawa 13 weeks ago ng kanilang engagement ring sa Instagram.

Limang araw na ang nakararaan, nag-post si Sir Perci sa kanyang account ng litrato ng kanilang wedding guestbook.

Tatlong linggo naman ang nakaraan, nag-post si Direk Jun ng larawan ni Sir Perci, kung saan sinusukatan ito ng isusuot nito sa kanilang big day. Naka-caption dito, “@percinotpercy’s first fitting for the big day.”

Apat na araw na ang nakalipas, dalawang sunud-sunod na posts naman ni Direk Jun ang ibinahagi niya sa kanyang followers. Una na rito ang kanilang ‘marriage license’ na nakuha nila sa The City Clerk ng The State of New York. Naka-caption dito ang mahabang mensahe ni Direk.

Aniya, “Civil marriage is at once a personal commitment to another human being and a highly public celebration of ideals of mutuality, companionship, intimacy, fidelity, and family. Without the right to marry one is excluded from the full range of human experience…And the right to marry means little if it does not include the right to marry the person of one’s choice.”-excerpt from the landmark decision which legalized same-sex marriage in Massachussets.”

Sinundan niya ito ng isang post ng marahil ay kanilang wedding invitation na ang nakasulat ay’ Mr. and Mr.’

Sa pamamagitan ng Facebook, nakausap namin si Sir Perci na kasalukyan nang nasa New York. Itinanong namin sa kanya kung maari bang makahingi ng detalye sa kasalang magaganap sa Lunes. Matipid man, nagbagi pa rin ito ng detalye.

Saad nito, “Hehe sure. Sa Bethesda Fountain sa Central Park ang wedding this Monday morning. Sa Jeepney Gastropub na Pinoy restaurant sa lower east side ang reception.”

Wala raw ninong at ninang ang naturang pagsasaisang dibdib.

Inggit much daw ang aming nararamdaman dahil parang ang sarap-sarap ng feeling na ikasal ka sa iyong minamahal notwithstanding the gender.

Best wishes na lang po sa inyong dalawa at sana’y lalo pang tumibay ang inyong samahan ngayong nakatakda na kayong magsasama bilang tunay na mag-asawa.

 

SOSYAL ANG bagong bukas na Kirei Medical Group House of Beauty, huh! Dahil kabilang sa kanilang endorsers ay si Cesar Montano. Nagpunta pa nga si Buboy sa grand opening nito last week pero hindi na namin ito naabutan. Located ang Kirei besides Ever Gotesco in Commonwealth and for inquires, just text or call 09173546292.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING