JUST MARRIED: Mark Herras at Nicole Donesa, ikinasal na!

SA DAMI ng babaeng dumaan sa buhay ng original Starstruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras, iisang babae lang ang kanyang pinakasalan. Ito ay walang iba kundi ang fellow Kapuso actress na si Nicole Donesa.

JUST MARRIED: Mark Herras at Nicole Donesa, ikinasal na!
Nicole Donesa and Mark Herras wedding

Muling naging maingay ang pangalan ni Mark Herras noong mga nakaraang Linggo dahil sa personal details na ibinulgar ng kanyang ex-manager na si Lolit Solis. Despite this ay payapang pinakasalan ng aktor ang kanyang partner.

Naganap ang civil wedding nina Mark at Nicole noong September 8, 2021 at si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nag-officiate.

“Sobrang last minute yung pag-aayos ng lahat. Walang kahirap-hirap yung nangyari. Talagang gusto ni Mama Mary na ikasal tayo,” sambit ni Nicole sa joint vlog nila ng asawa.

September 8 ang birthday ni Mama Mary. “Kaya kami nagpa-civil wedding na with Mayor Belmonte and our ninong and ninangs, we wanted to be legal na. Dahil sa pandemic ngayon, hindi pa kasi talaga makapag-wedding na gusto namin na carefully planned out, na present yung mga kamag-anak and close friends,”

May balak pa rin ang mag-asawa na magsagawa ng church wedding soon para raw makadalo naman ang mga close family and friends nila.

“But we are saving the big celebration for the church wedding. We just don’t know when pa yun. Very unpredictable pa yung [situation] but it will happen,”

Early this year ay ipinakilala nina Mark and Nicole ang kanilang baby boy na si Mark Fernando. Nagkakilala ang dalawa sa set ng Kapuso afternoon series na ‘Bihag’.

Congratulations to the newlyweds!