June Macasaet, wagi sa Fashion Asia 2014

ADVERTISING

June Macasaet, wagi sa Fashion Asia 2014

June-MacasaetKABABALIK PA lang sa bansa ng 2012 Mr. Manhunt International at Psalmstre’s New Placenta For Men image model na si June Macasaet, kung saan nakipag-compete ito sa Fashion Asia 2014 na ginanap sa China from Nov. 1 to 6, kung saan napanalunan nito ang Top Male Fashion Model in Asia, samantalang ‘di naman pinalad na manalo ang ibang mga nakasama nito.
Nakalaban ng Philippine Team ang Sri Lanka, Japan, Malaysa, Indonesia, Thailand, Singapore, China, Korea, atbp.
Kuwento nga ni June, “Masyadong competitive ‘yung mga nakalaban namin mula sa iba’t ibang bansa sa Asia. Ang lamig ng panahon du’n (China), tapos very formal ‘yung event.
” Every night meron kaming events, iba’t ibang categories, designers, stylist, singers and models. Nandu’n din ‘yung national director para may nagga-guide sa inyo. Sobrang dami ng categories, pero konting category lang kasali ang Philippines.
“Lahat ng mga models sa iba’t ibang Asian countries, palaban. Kaya naman sobrang saya ko nang ako ‘yung tawaging winner sa Male Model category.
“Isa naman itong karangalan sa bansa, sobrang bless na nakaisa na naman tayo,” pagtatapos ni June.

Marika-SasakiJapinay Marika Sasaki, humataw sa Marian

NAG-ENJOY RAW nang husto sa kanyang Marian guesting ang 28th PMPC Star Awards for Television nominee for Best New Female TV Personality na si Marika Sasaki.
Malaking karangalan daw para sa Walang Tulugan With The Master Showman mainstay ang makapag-guest sa show ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera, kung saan nakipagsabayan siya ng hatawan sa dance floor dito.
Bukod nga sa guesting nito sa Marian, nakapag-guest na rin ito sa Bubble Gang at sa Wattpad ng TV5.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING