AFTER 8 YEARS: Directors Jun Lana at Perci Intalan naghiwalay na

NAKAKALUNGKOT naman ang balitang naghiwalay na sina Direk Jun Lana at Perci Intalan pagkatapos ng walong taong pagsasama bilang mag-asawa at halos dalawang dekada bilang magkasintahan.

Ito mismo ang kinumpirma ni Direk Jun sa pamamagitan ng social media.

AFTER 8 YEARS: Directors Jun Lana at Perci Intalan naghiwalay na
Jun Lana and Perci Intalan

“Hi guys. Perci and I have decided to part ways amicably,” Lana wrote on his Twitter account on Dec. 10. “We wish each other well and will continue to be active co-parents for our children & business partners for our company.”

Nakiusap rin ito na respetuhin ang kanilang privacy as they “navigate this transition.”

Sa kabilang banda, wala pang statement si Direk Perci tungkol sa kumpirmasyon ng kanyang ex-partner.

Nalulungkot kami dahil para sa amin, ideal power couple sina Direk Jun at Direk Perci. Maliban sa kanilang talento sa pagdidirek, pagsusulat at pagproprodyus ng content para sa The IdeaFirst Company na kumpanyang kanilang itinaguyod, naging inspirasyon din sila sa aspiring talents and filmmakers. Ika nga, we didn’t predict the break-up is even a possibility.

Ikinasal sina Jun Robles Lana at Perci Intalan noong 2013 sa New York, pero nagumpisa ang kanilang relasyon noon pang 2003. May dalawa silang anak.

To Direk Jun and Direk Perci, may you find healing and comfort as you try to navigate this transition..