Julielmo, binuwag na?!

ADVERTISING

Julielmo, binuwag na?!

Julielmo, binuwag na?!SI KRISTOFFER Martin ang bagong magiging ka-loveteam ni Julie Anne San Jose. Ito ay sa pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Kahit Saan Ka Man.

Okey naman daw kay Julie Anne ng pakikipagtambal kay Kristoffer. At inaasahan din niya na hindi tutol dito ang kanyang fans pati na ang JuliElmo na tagasuporta naman ng naunang loveteam nila ni Elmo Magalona.

“Alam na naman po nila. I would like to believe na alam na rin nila na si Kristoffer ang makakapartner ko. Uhm… I think okey lang naman din po sa kanila. Kasi si Kris (tawag niya kay Kristoffer), wala naman po akong problema sa kanya. At saka okey naman po talaga kami. And… ‘yon! Magaling po siyang actor. Sobrang versatile niya.

“At saka… I’m really excited. Kasi first time ko siyang makakatrabaho sa isang soap. Kasi usually nagkikita lang kami sa Party Pilipinas before. Tapos sa Sunday All Stars ngayon. So, ano… I’m really excited talaga. At saka this is another opportunity na makatrabaho ko ‘yong mga ibang artist dito sa GMA.”

ADVERTISING

Natutuwa raw si Julie Anne na hindi pa man sila nagsisimulang mag-taping ni Kristoffer bilang bagong magka-loveteam, may nabubuo nang grupo ng fans nila.

“Meron na. Nabasa ko sa Twitter, meron nang KrisLie.”

Julielmo, binuwag na?!Balitang isa si Elmo sa nag-undergo ng screen test para sa magiging leading man nga ni Julie Anne sa Kahit Saan Ka Man. Kaya marami ang naiintriga kung bakit hindi ito kundi si Kristoffer nga ang napili.

Ibig kayang sabihin… buwag na talaga ang JuliElmo loveteam? KrisLie na ang panibagong tambalang ipu-push ng GMA?

 

ISA SI Eula Valdez sa makakasama rin sa Kahit Saan Ka Man. Gagampanan niya ni Chanda de Chavez na siyang mag-aampon kay Leandro which will be portrayed naman by Kristoffer.

Tumatak na sa televiewers ang husay ni Eula bilang isang versatile actress. Lalo kapag kontrabida ang character na kanyang ipinu-portray, talagang lumulutang nang husto husay niya sa pag-arte.

“Pero hindi naman kontrabidang masasabi ang character ko rito,” sabi ni Eula when asked about her role. “Ano lang siguro, may mga instances or may mga events na magli-lead to… hindi naman pagiging kontrabida.

“Pero siyempre, hindi naman lahat sinasang-ayunan mo. Or ‘yong mga desisyon eh, lahat positibo. Meron lang mga pangyayari na ma-unfold. Na magli-lead sa isang… basta!” sabay tawang pambibitin ng aktres.

Pinaghalong musical at drama ang tema ng Kahit Saan Ka Man. Mapapasabak din kaya siya sa kantahan?

“Hindi ko alam. Pero masaya ako at napasama ako sa proyektong ito. At very positive ang pakiramdam ko rito. Habang nag-i-story con nga kami for this, tinitingnan ko ‘yong mga mukha. ‘Yong iba… almost half ng mga kasama ko sa story con pati ‘yong director, nakatrabaho ko na before. Pero ‘yong iba, hindi pa. So, alam mo ‘yong… nakikiramdam ako? Parang… masaya ako na positibo naman ang pakiramdam ko rito sa project.

“And… nataon din sa timing na gagawin ko ‘yong musical play na Adam’s Family. Sa Broadway actually ‘yong play na ‘yon. Pero meron din tayong version dito under Atlantis Production naman. So, alam mo ‘yon? Lalagare ako. Taping para sa Kahit Saan Ka Man. Tapos rehearsals para nga do’n sa Adam’s Family na magra-run from November 15 hanggang December 1, sa Meralco Theater,” sabi pa ni Eula.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING