Julie Anne San Jose, umaming nagdi-date na sila ni Benjamin Alves

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, umaming nagdi-date na sila ni Benjamin Alves

Julie Anne San Jose And Benjamin Alves
Julie Anne San Jose And Benjamin Alves

Mukhang solid na nga ang special friendship nina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves, dahil na rin sa naging pahayag ng singer-actress kaugnay sa kung ano na ba ang namamagitan sa kanila ni Benjamin.

Ayon nga kay Julie Anne, sa isang interview kamakailan, “What you see is what you get.”

Mas open na nga ngayon ang mabait at talented na dalaga na pag-usapan ang tungkol sa lovelife, lalo na’t graduate na ito sa kolehiyo at naka-focus ngayon sa kanyang career.

Okey na rin nga raw sa mga magulang nito if ever na magkakaroon na nga ng manliligaw at i-entertain ito ni Julie Anne, basta matapos nito ang kanyang pag-aaral.

ADVERTISING

Hindi naman itinatanggin ni Julie Anne na nagdi-date sila ni Benjamin at happy siya na nakasasama ang binata dahil may pagkakapareho sila sa maraming bagay.

Kaya naman sa pagsasama ng mga ito sa pinakabagong serye ng Kapuso Network, pihadong mas magiging close at mas makikila ng mga ito ang isa’t isa.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING