Julie Anne San Jose, umaasa pa rin kay Alden Richards?

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, umaasa pa rin kay Alden Richards?

Julie-Ann-San-Jose-Alden-RichardsUMABOT NA ng 9x Platinum ang self-titled first album ni Julie Anne San Jose. Nang i-award nga ito sa kanya kamakailan, parang hindi pa rin daw siya makapaniwala.

“Para akong nasa cloud nine!” aniya. “Sobrang saya ko po talaga. Ang sarap ng feeling. Kumbaga, kung gaano po ako kasaya no’ng nag-8x Platinum, parang mas dumoble pa. And siyempre, thankful po talaga ako kay Lord. Kasi hindi ko po talaga akalain na mari-reach ko ‘yong ganito.”

Karagdagang inspirasyon daw ang nasabing 9x Platinum award para kay Julie Anne. Lalo pa at nakatakda na ring i-release ang kanyang second album anytime soon.

“Most of the songs sa aking bagong album ay sinulat ko. Kaya kailangang abangan nila. Kasi ‘yong mga kanta pong iyon, personal po sa akin. And talagang pinaghirapan ko siyang isulat. Mula sa mga kanta hanggang sa pagsisimula ng recording, pinaghandaan po talaga namin. Very intimate. Mas intimate ito kesa do’n sa nauna kung album.”

ADVERTISING

May plano ba siyang mag-concert ulit? “This year po. Meron. Pinag-uusapan na po ang tungkol do’n.”

Kailan naman kaya siya gagawa ulit ng soap? “I think… mga third quarter of this year po.”

May inihahanda kayang bagong magiging kapareha o ka-loveteam niya? “Ay, hindi ko po alam. Pero kung sino man po ‘yong makakatrabaho ko, wala pong problema sa akin.”

Ano kaya kung si Alden Richards ang itambal sa kanya? “No problem, okey lang po. Wala naman pong kaso, ‘di ba? Lahat naman po kami ay okey. So, wala naman pong problema ro’n.”

Puwede nga silang maging magka-loveteam. Lalo at na-link na sila dati, ‘di ba?

“Next question please!” natawang pag-iwas ni Julie Anne.

Marami pa rin ang naiintriga at nagtatanong kung bakit nga ba naudlot noon ang napapabalitang pagkakamabutihan na nila ni Alden.

“Tapos na po ‘yon, eh. Tapos na po ‘yong isyu na ‘yon. So let’s all move on… forward.”

Sarado na ang kanyang pinto para kay Alden?

“Hindi po ako nagsasara ng pintuan,” matipid na naisagot lang ng dalaga.

Mahirap ba for her na parang if ever mai-inlove o makaka-boyfriend siya eh, kailangang aprubado ang kanyang fans?

“Kasi… lahat naman po tayo may karapatang maging masaya, ano? So, I think… sila at ako rin, parang iba, eh. Kumbaga, iba ‘yong buhay ko as an artist. At iba rin ‘yong buhay ko sa totoong ako talaga.”

Paano niya iha-handle sakaling ayaw ng fans sa magiging boyfriend niya?

“Ano naman… so be it. Kasi kumbaga, private life ko naman ‘yon, eh.”

Oo nga naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING