Julie Anne San Jose to Rayver Cruz: “I feel the happiest whenever I’m with you.”

TODO ang kilig na handog ng Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz nang i-celebrate ng aktor ang kanyang 33rd birthday sa All-Out Sundays ng GMA-7 kung saan sila ay mainstay hosts ng programa.

Julie Anne San Jose to Rayver Cruz: "I feel the happiest whenever I'm with you."
Julie Anne San Jose and Rayver Cruz

Ipinagdiwang ni Rayver noong July 17 ang kanyang birthday kung saan dumalo din ang kanyang pamilya. Alam naman natin lahat na mula sa angkan ng mga talented showbiz icons ang binata kaya naman nakakatuwang panoorin ang kanilang reunion on television. S’yempre, dagdag din ang kilig na dala ng JulieVer tandem.

Sa online exclusive ng All-Out Sundays ay may sweet message si Julie Anne sa kanyang rumored boyfriend.

“Ray, thank you so much for everything, for being my anchor. Parang lahat meron ka na, and palagi mo lang tatandaan na nandito lang kami para sa ‘yo, nandito lang ako palagi para sa ‘yo.”

“I’m so, so, so proud of you, you just don’t know how proud I am. I just want you to know I feel the happiest whenever I’m with you.” nakangiting pabati ng talented singer/actress.

Ang tamis! Kahit na hindi pa sila umaamin, iba ang kilig na aming nararamdaman sa tuwing nakikita namin ang JulieVer sa aming mobile and TV screens. Sana, pag matapos ang ‘Bolera’ ni Rayver ay sila naman ni Julie Anne ang magsama sa isang teleserye o pelikula. GMA, baka naman!!!

Previous articleVLOG WATCH: Julia Barretto learns surfing in La Union!
Next article‘High On Sex’ director GB Sampedro iginiit na hindi dapat iniiwasang pag-usapan ang sex