Julie Anne San Jose, tiyak na panghihinayangan nina Alden Richards at Elmo Magalona

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, tiyak na panghihinayangan nina Alden Richards at Elmo Magalona

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

Sayang, walang special someone na ipagmamalaki si Julie Anne San Jose sa darating niyang 10th year anniversary concert niya na gagawin sa Kia Theater come May 14 na “In Control”.

ADVERTISING

Ewan ko ba kung bakit loveless ang beauty ng dalaga na nang makausap namin siya kamakailan, she was very sexy, na sigurado kaming pagisisihan nina Alden Richards at Elmo Magalona ang pag-iwan sa puso niya.

Yes, Julie Anne San Jose is very sexy. Biglang nag-iba ang aura niya na dahil sa kagandahan niya, magugulat ka sa hitsura niya ngayon at ibang-iba.

Dahil sa kabisihan sa paghahanda para sa kanyang “pasasalamat concert” ay ang kaya lang ng schedules niyang gawin ngayon ay mag-stationary biking para ma-maintain ang kaseksihan niya.

ADVERTISING

Sa kaarawan niya that will also fall in May and at the same time ay ang schedule ng concert niya, wala man siyang inspirasyon ay happy na rin siya dahil isa-isang natutupad ang mga pangarap niya.

Kuwento nga niya na noong una ay ayaw talaga niya sa showbiz. Father lang niya ang may gusto.

“Sabi niya subukan ko raw, until umabot na pala ako nang 10 years. Heto na. But after many attempts, nagustuhan ko na rin. Thankful ako sa mga fans ko na until now nand’yan pa rin sila na sumuporta,” kuwento ng dalaga.

Wish ni Julie Anne na wala man daw siyang special someone, sana raw ay mai-guest niya si Ms. Lea Salonga na isa sa mga idols niya sa kanyang pagkanta.

Kahit manood man lang sana siya, wish ko lang,” sabi niya.

As of this writing, may dalawang female guests na si Julie Anne, pero wala pang nako-confirm na male guest para sa special concert niyang ito na mula da direksyon ni Marvin Caldito.

For “In Control” concert ni Julie Ann, call Ticketnet @ 911-5555.

Good luck, girl!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING