Julie Anne San Jose, pinopormahan ni Benjamin Alves

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, pinopormahan ni Benjamin Alves

Julie Anne San Jose & Benjamin Alves
Julie Anne San Jose & Benjamin Alves

“We’re seeing each other and I get to know him more. We have so many things in common, gaya ng pagiging malapit sa pamilya, mahilig sa pag-aaral at gustung-gusto ang magsulat.”

Ito ang pahayag ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa isang interview kaugnay sa pagkakaunay nito kay Benjamin Alves.
At sa bagong album nga nito under GMA Records, ang “Chasing The Lights”, may kanta itong idine- dedicate kay Benjamin at ito ay ang awiting “Naririnig Mo Ba?”.
Wala pang kumpirmasyon kung ano na ba ang real score sa dalawa, pero maganda raw ang samahan ng mga ito at okey sa isa’t isa. At kahit nga parehong busy sa kani-kaniyang proyekto, nagalalaan daw ng oras ang mga ito para magkausap o lumabas paminsan-minsan.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING