Julie Anne San Jose, pinaghihirapan daw niya ang pagpayat

Julie-Anne-San-JoseNOONG NAKAHARAP namin si Julie Anne San Jose kamakailan, akala ko, may sakit ang singer. Sobrang payat niya kasi. Akala ko na may Bulima or Anorexia ang dalaga. Biglang payat na iisipin mo na may problema ang singer sa kanyang kalusugan. Akala ko nga, mag-iisip ako nang hindi maganda sa kanya, because of her sudden pagkapayat.

Nada-drugs ba siya, lalo pa’t humpak ang mga pisngi niya? Terminal ba ng sakit niya para isipin ko na from a chubby girl na napanonood namin a year or two ay ganu’n ang kalalabasan ng figure niya? Sudden change kasi.

Hindi naman siguro siya problemado sa kanyang lovelife para mangayayat. Hindi naman siya siguro natutong mag-drugs para malulong at maging ganu’n ang dating pangangatawan niya.

Depensa ni Julie Anne, hard work. ‘Ika nga, no pain no gain ang ginawa niyang exercises para pumayat siya. Super exercise ang dating chubby at tabain na si Julie Anne na minsan na rin naming pinuna at na-criticize because of her weight. Stationary jogging at pagba-bike ang ginagawa niya araw-araw para ma-reach niya ang current pangangatawan niya.

“But I still have to lose 10 pounds para maging maganda on television,” kuwento niya sa amin.

Yesterday was the last episode ng Sunday All Stars, kung saan sa darating na Sunday, August 9, kabilang ang singer sa bagong variety show ng GMA na Sunday Pinasaya together with Ai-ai delas Alas, Alden Richards, at ang buntis na si Marian Rivera.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleDennis Trillo, kulang na lang aminin na sila na ulit ni Jennylyn Mercado
Next articleAngeline Quinto, malaki ang tiwalang aalalayan ni Erik Santos sa kanilang Araneta concert

No posts to display