Julie Anne San Jose, nakabibilib na napagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

 Julie Anne San Jose, nakabibilib na napagsasabay ang pag-aaral at pag-aartistaNakatutuwa ang GMA prime artist singer/ host/ actress na si Julie Anne San Jose, dahil kahit gaano ka-busy nito sa kanyang showbiz career, hindi nito kailanman pinabayaan ang kanyang pag-aaral.

Nagawa nga nitong i-balance ang kanyang studies at showbiz career, at kahi’t nga medyo nahihirapan ay naitawid nito at napagtagumpayan ang pag-aartista at pag-aaral.

At sa kanyang ika-22 birthday sa Mayo, kasabay rin niyang iseselebra ang kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Sa Mayo rin isi-celebrate ni Julie Anne ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Bukod sa paglabas ng kanyang panibagong album mula sa GMA Records.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKim Rodriguez, nanliit nang saktan si Bea Binene
Next articleShalala, itinangging naghihirap na siya

No posts to display