Julie Anne San Jose, mas malaki na ang venue para sa kanyang anniversary concert

Julie Anne San Jose, mas malaki na ang venue para sa kanyang anniversary concert

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

From Music Museum, mas malaking venue ang Kia Theater sa Cubao na pagtatangahalan ng 10th year anniversary concert ni Julie Anne San Jose bukas, Saturday, May 14 , ang “In Control”.

Yes, halos doble ang crowd na manonood ng concert ni Julie Anne na as of yesterday ay mabilis ang bentahan ng mga tickets.

Sa katunayan, isang bagong Julie Anne San Jose ang nakita namin in person nang humarap siya sa press para sa promotion ng kanyang concert. Mas pumayat, mas sumeksi.

Ang dahilan, she’s involved kasi ngayon sa sports like biking and boxing which make her fit at mas georgeous.

“Kailan ko rin po ng exersice para sa resistance ko during the show. Mahirap din po kasing mag-perform nang sunud-sunod na numbers lalo na ‘yong fast beat with matching production number para iwas hingal,” kuwento niya.

Ang concert ni Julie Anne bukas ay selebrasyon na rin ng kanyang ika-22 birthday that will fall three days after her “In Control” concert, bukod sa selebrasyon ng 10 years niya sa showbiz bilang singer at artista.

Sa kaseksihan ngayon at ganda ni Julie Anne, I just wonder kung bakit loveless pa rin ang dalaga at 21 (going to 22 years old na siya next week).

I’m sure pinanghihinayangan ngayon nina Elmo Magalona at Alden Richards ang dalaga after ng break-up nila kay Julie Anne.

Reyted K
By RK VillaCorta