Julie Anne San Jose, malakas sa social media

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, malakas sa social media

Julie-Ann-San-JoseDAHIL NA-ELEVATE na sa sister company na Ever Bilena si Erich Gonzales, si Julie Anne San Jose na ang newest endorser ng Careline Beauty Products.
Isinabay na sa press launch ang contract signing ni Julie Anne. At in fairness, meron din daw ABS-CBN stars silang ikinonsider, pero nag-survey ang management at si Julie Anne ang lumutang sa lahat.
Ikinonsider din nila ang lakas sa social media ni Julie Anne, kaya habang sinasabi ito ng mga bosses ng Careline ay hanggang tenga na lamang ang ngiti ng young singer- actress.
Binati rin si Julie Anne ng isang reporter dahil naka-9 platinum na ang kanyang first album na kapag sumampa ng sampu ay Diamond na ang na-achieve ng youngstar.
Congrats, Julie Ann! Kahit hindi tayo close, palangiti ka naman kaya love na rin kita. Hehehe.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING