Julie Anne San Jose, kinatakutan sa sobrang payat

Julie Anne San Jose, kinatakutan sa sobrang payat

Julie-Anne-San-JoseIKINAGULAT NG press nang bumulaga si Julie Anne San Jose na sobrang payat. Ang iba ay natakot sa hitsura ng young actress/singer nang rumampa ito sa grand presscon ng afternoon drama series ng GMA 7, ang Buena Familia.

Naalarma nga ang ibang press sa sobrang payat ng actress/singer na akala mo ay naging biktima ni Dracula na sinipsip ang laman kaya pumayat ang braso, binti, at katawan.

Buti na lang nandoon pa rin ang ganda ng mukha at hindi nagbago ang malusog na dibdib. Kadalasan kasi, kapag nangayayat ang isang tao ay damay rin pati ang lusog ng dibdib ng mga ito.

Ayon naman kay Julie Anne nagdadagdag na raw siya ng timbang ngayon.

“Nag-diet po kasi ako noong una, tapos, nagtuluy-tuloy. Tapos ‘yun nga dumami lalo ‘yung work. Napabayaan ko,” say ni Julie Anne.

Hindi raw siya anorexic at lalong hindi nag-take ng Bangkok pills or iba pang gamot na pampapayat. Malakas daw kasi siyang mag-cardio noon na siyang dahilan kaya pumayat, at saka kinailangan raw niyang mag-reduce para sa ginawa niyang music video.

Kapag kumakain siya, hindi na raw ganoon kalakas. ‘Di tulad noon na talagang matakaw at malakas siyang kumain. Pero talaga raw sinisikap niya ngayon na magdagdag ng timbang.

Samantalang magkakasama rin sila ni Alden Richards sa magiging kapalit ng Sunday All Star na magtatapos sa katapusan ng July. Okey naman daw sila ngayon ni Alden at nakapag-usap sila nang mag-story conference ang bagong Sunday show.

Pero inamin ni Julie Anne na nagkaroon sila ng awkwardness sa isa’t isa ni Alden sa nasabiong story conference. Wala rin daw kinalaman ang isyu sa kanila ni Alden sa pagpapapayat niya.

Sa tanong kung may sama pa ba siya ng loob kay Alden, buong ningning na sinabi ni Julie Anne na walang-wala na raw siyang galit or sama ng loob sa actor.

Pero nang tanungin kung mahal pa ba niya si Alden, “Ay! May ganoon talagang tanong. Hindi ko po sasagutin. Hahahaha!” tugon ni Julie Anne na talagang ikinagulat ang tanong.

Anyway, si Jake Vargas ang makapa-partner ni Julie Anne sa Buena Familia at kasama rin sa cast sina Angelu de Leon, Kylie Padilla, Martin del Rosario, Bobby Andrews, Julian Trono, Tessie Tomas, at Sheryl Cruz na hindi sumipot sa presscon dahil umiiwas daw matanong tungkol kay Sen. Grace Poe, at iba pa.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo