Julie Anne San Jose, kinarir ang pagpayat

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, kinarir ang pagpayat

Julie-Anne-San-JoseNAKAGUGULAT ANG biglang pagpayat ni Julie Anne San Jose. Sa maikling panahon ay sobrang slim na ng pangangatawan niya.

ADVERTISING

“Kasi before nag-boxing ako dati, ‘di ba? Sabi ko, parang kulang pa,” aniya. “And ang ginawa ko… nag-cardio ako. Nagba-bike ako, stationary bike lang. Tapos, a lot of cardio nga. Ayon… rope lang!”

And speaking of boxing, isa raw si Julie Anne sa mga excited nang nag-aabang sa nalalapit na laban ni Manny Pacquiao kontra kay Floyd Mayweather.

“Oo naman! Kasi, ‘di ba… Pambansang Kamao talaga? At saka lahat namang tao talagang iniidolo siya, ‘di ba? Insiprasyon siya para sa lahat, particularly sa mga nagba-boxing. And you know of course… boxing, it’s a good sports. And it’s good din para sa pagtu-tone ng katawan. I punch hard. Pero hindi lang naman boxing ‘yong ginawa ko before. Nagmu-Muay Thai din ako. Ayon! Sabay siya.”

ADVERTISING

Happy naman daw si Julie Anne sa pagpayat niya. May iba pa ba siyang gustong ma-enhance sa kanya physically na sa tingin niya ay dapat o kailangan din nga?

“I don’t know. Hindi ko alam, e. Hindi ko naman pinagtutuunan ‘yon ng pansin na gano’n, e. Basta ako… nagtatrabaho ako. And wala akong enhancement, takot ako, e. Takot ako talaga. Pero kasi… ang importante kasi, kapag celebrity ka, kailangan talagang presentable ka. Alam mo ‘yon? At saka… public figure ka, e. Nilu-look up ka ng mga tao. And of course parang… alam mo ‘yon? They always see the good side sa ‘yo.

“So, kailangan mong i-maintain ‘yong healthy image mo. At pagiging fit, ‘di ba? Hindi naman sa sobrang kailangang maging payat na payat. Though kailangang medyo ‘yon nga… kailangang i-maintain mo talaga. Kasi naggi-gain ng pound pagdating sa TV screen, ‘di ba? I think mga ten pounds. So, ayon. Ayon lang naman.”

Ilang pounds ba ang na-lose niya at gaano katagal bago niya na-achieve ito?

“I think I lost 7 to 8 pounds. In a matter of… mga three weeks.”

Ano ang mga bagong abangan sa kanya?

“Magkakaroon po ako ng bagong album this year. We’re be starting to work on it soon.”

May pinaplano rin daw na bagong soap for her ang GMA. Pero hindi pa niya alam kung sino ang kanyang magiging leading man. Pero kung siya ang tatanungin, sino kayang Kapuso aktor ang sa tingin niya ay interesting talaga to be paired or work with?

“I’m always looking forward to be working with a lot of good actors and actresses talaga. Kasi alam mo ‘yon… sila ang magdadala sa ‘yo? Sila ang tutulong sa ‘yo para mapabuti pa ‘yong craft mo.”

Nasabi na ba sa kanya ng management ng GMA kung anong tema ang bagong soap na gagawin niya?

“Parang drama. About family ang story. Hindi ko pa alam kung kailan kami mag-start ng taping. Wala pa kaming story conference. But I’m really looking forward to it. Excited na ako habang pinaghahandaan ito,” sabi pa ni Julie Anne.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING