Julie Anne San Jose, itinangging sila na ni Abra

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, itinangging sila na ni Abra

Julie-Anne-San-JoseNATATAWA NA lang daw si Julie Anne San Jose sa mga bali-balitang sila na ni Abra. Tsika nga ni Julie Anne, malabo raw mangyari ‘yunn dahil hindi naman daw nanliligaw si Abra at nakakasama lang nito ang binata kapag meron silang magkasabay na show.

ADVERTISING

Feeling nga raw nito na baka dahil may collaboration song sila kaya naman pilit silang inili-link sa isa’t isa.

“Ewan ko po. Hahaha! Siguro dahil may colaboration kami, pero wala talaga. Magkaibigan lang kami. Walang ligawang nagaganap, trabaho at friendship lang talaga.

“Hindi ko nga alam kung bakit may mga ganu’ng tsismis sa aming dalawa. Right now kasi, mas priority ko talaga ang trabaho at hindi ‘yung pagkakaroon ng boyfriend, ayon pa kay Julie Anne.

ADVERTISING

Joel-Cruz-BabiesJoel Cruz, nagbago ang buhay nang magkaanak!

MALAKING PAGBABAGO raw sa buhay ang nangyari sa tinaguriang Lord of Scents at napakabait at generous na si Mr. Joel Cruz nang magkaroon siya ng mga anak na sina Prince at Princess Cruz.

Tsika nga ni Sir Joel, “Ilang taon na rin kasi ako for the longest time na wala akong anak at buhay binata lang, at mostly ang iniisip ko, sarili ko lang. This time iba na. Iba na ang priorities ko, ‘yung mga bata and of course, pamilya ko pa rin.
“Kung dati, ‘yung mga pangkin ko lang ‘yung binibilihan ko ng laruan, ngayon kasama na ‘yung mga anak ko. And right now, hindi na lang sarili mo ‘yung pinagpaplanuhan mo kung hindi ‘yung future ng mga anak mo.
“Dati anytime na gusto mong umuwi ng late, okey lang dahil single ka. Pero ngayon, kailangang umuwi nang maaga dahil may anak ka na.
“Mga 9 o’ clock ng gabi naghahanol na akong umuwi para abutan ko sila nang gising at may bonding pa kami kahit one hour bago sila matulog.
“ And im enjoying every moment na kasama ko sila. Kahit minsan makulit, kasi 2 years old pa lang, pero iba ‘yung happiness sa akin. Especially kapag may bagong words silang sasabihin, nakakatuwa kasi nararamdaman ko na lumalaki na talaga sila.
“Ang happiness kasi sa akin, kapag may napapasaya akong tao, pamilya ko, mga mahal sa buhay, hindi na ‘yung sa akin, kasi wala naman akong dapat ika-sad kasi meron akong mapagmahal na pamilya, magandang hanap-buhay. And of cource, happiness para sa akin ‘yung pagkakaroon ng very cute babies,” pagtatapos ni Joel Cruz.

Kate-LapuzKate Lapuz, nominado sa Star Awards for TV!

MASAYANG-MASAYA ANG Walang Tulugan With the Master Showman mainstay na si Kate Lapuz sa nominasyong nakuha nito sa Star Awards for TV sa kategoryang “Best New Female TV Personality”, kung saan makakalaban nito ang co-Walang Tulugan mainstay na sina Yna Uy at Marika Sasaki, pero sa teleseryeng Pyra nominado si Kate, ang kanyang kauna-unahang serye sa GMA 7.

Sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa bumubuo ng Philippine Movie Press Club dahil naging nominado siya sa nasabing kategorya at napasama sa pitong nominado. Ito raw ang magiging baon ni Kate para husayan pa ang kanyang trabaho sa mga proyektong ibibigay sa kanya ng Kapuso Network.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING