Julie Anne San Jose, gustong maging kasing galing ni Marian Rivera

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, gustong maging kasing galing ni Marian Rivera

Julie-Ann-San-JoseNGAYONG SABADO, June 21 na ang airing ng Marian, ang Dance show ni Marian Rivera. Kasama rito si Julie Anne San Jose na excited dahil may sarili siyang segment sa nabanggit na bagong programa ng GMA.

“Magkakaroon po kami ng mga production numbers,” masayang pahayag ng Kapuso singer-actress nang makakuwentuhan namin.

“I’ll be performing with different musical artists. And siyempre ‘yong mga magagaling na DJ po rito sa Philippines, parang sila po ‘yong magtu-tweet ng mga kanta. So, magiging sobrang exciting po talaga ito. Kasi magkakaroon po ng mga iba-ibang versions no’ng mga kanta na usually ay kinakanta natin.

“Makikipag-collaborate po ako sa iba’t ibang singers. Iku-collaborate namin ‘yong mga music. First time po na mapapanood ako sa ganitong segment na kakaiba talaga. Kasama ko pong nag-taping para sa segment ko si Kuya Christian (Bautista). Kumanta po kami.

ADVERTISING

“Isa rin ang pagsayaw sa mga gusto kong gawin talaga. And siyempre po, since it’s a dance show, kumbaga parang nai-enhance ko po at nadi-develop ko po ‘yong sarili ko sa pagsasayaw. Gusto ko po kasing maging kasing-galing ni Ate Marian sa pagsayaw.

“Actually sa TV show po, first time ko pa lang talaga to work with her. Pero before ay nakakasama ko na siya sa mga out of town shows. And I’m really really happy and glad na nakatrabaho ko po ang isang Marian Rivera.

“Sobrang bait po talaga niya. And of course, ‘yon nga po kasi… isa talaga siya sa mga nilu-look up ko na mga artista.And parang dream come true ko po ito na makasama siya sa isang show. At sa isang dance show pa.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING