Julie Anne San Jose – Elmo Magalona loveteam, bubuwagin na dahil kay Lauren Young?

ADVERTISING

Julie Anne San Jose – Elmo Magalona loveteam, bubuwagin na dahil kay Lauren Young?

Julie Anne San Jose – Elmo Magalona loveteam, bubuwagin na dahil kay Lauren Young?MUKHANG TULUYAN nang mabubuwag ang loveteam nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona dahil tuluy-tuloy na raw ang paglipat sa GMA7 ni Lauren Young na real life girlfriend ni Elmo.

At ang pagpapakilala raw kay Lauren bilang certified Kapuso talent at new talent ng GMA Artist Center ay magaganap sa sa trade launch ng GMA 7 sa November 28 sa Makati Shangri-La.

Matunog nga ang balitang ito na ang magiging bagong ka-loveteam ni Elmo, samantalang si Alden Richards naman ang magiging bagong ka-loveteam ni Julie Anne na swak na swak naman sa marami at may hatid na kilig sa mga manonood everytime na napagkikitang magkasama ang mga ito lately.

 

ADVERTISING

AFTER WINNING Best Drama Actress sa katatapos na 26th Star Awards For TV para sa mahusay nitong performance sa TV5 primetime teleserye na Sa Ngalan ng Ina, at sa pagwawagi for Best Actress sa 6th Asia Pacific Screen Awards (APSA) sa Brisbane, Australia, para sa Pelikulang Thy Womb ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, may bago na itong soap sa TV5, ang Never Say Goodbye.

Makakasama ni Ate Guy ang Aliw Award Best Stage Actor for Bona na si Edgar Allan Guzman with Alice Dixson at ang winners ng Artista Academy na sina Vin Abrenica at Sophie Albert . Ito ay mula sa direction ni Mac Alejandre.

Very  challenging daw  ang role at kakaiba kumpara sa roles na ni Edgar dahil sa nasabing soap ay isa itong kontrabida bilang ex-bf ni Sophie. Kaabang-abang din daw dito ang mga role nina Ate Guy at Alice na kakaiba rin sa roles na kanilang ginampanan dati.

Excited na nga raw sina Sophie at Vin na magkaroon ng kanilang 1st soap na kasama sa package ng kanilang

premyo at makatrabaho ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at Alice Dixon.

Julie Anne San Jose – Elmo Magalona loveteam, bubuwagin na dahil kay Lauren Young?

ANG MAGING isang magaling na dramatic actor sa linya ni Richard Guttierez ang gustong maging ng Walang Tulugan mainstay na si Joven Moreno. Bilib na bilib daw kasi si Joven sa galing umarte at sa wholesome image ni Richard, kaya naman daw isa sa dream nito ang makasama ito at makaeksena sa pelikula o telebisyon.

“Bata pa lang ako, gustung-gusto ko na talagang mag-artista, gustung-gusto ko ka-sing nagpe-perform sa harap ng maraming tao. Pangarap kong maging isang magaling na  actor like Richard Guttierrez, gusto ko kasi ang klase ng pag-arte niya. Sana nga makasama ko siya sa telebisyon o pelikula.

“Masuwerte ako sa pagkakaroon ng very supportive parents (Daddy Rommel at Mommy Susan). Eversince naman kasi, 100% support na ‘yung ibinibigay nila sa akin. Kaya nga I’m blessed for having them, dahil naiintindihan nila ako at handa nilang suportahan ‘yung hilig ko.

“If ever na mabibigyan ako ng ka-loveteam, gusto ko si Anne Curtis , kasi matagal ko nang crush siya. Hot kasi siya, sexy , maputi at makinis. ‘Yun kasi ‘yung tipo ko sa isang babae at halos lahat na kay Anne na ‘yon.” Pagtatapos ni Joven na kasama sa 6 Stars of Christmas along with UPGRADE, Teejay Marquez, Hiro Magalona, DJ Joph, Gina Damaso na magaganap sa Dec. 9, 8pm sa Music Box, Timog, QC.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING