Julie Anne San Jose, dinumog ng tao sa SM Fairview

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, dinumog ng tao sa SM Fairview

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

Saksi kami kung papaano dinumog ng tao ang katatapos na album promo (Chasing The Lights) ni Julie Anne San Jose sa SM Fairview last July 17, 2016 na hatid ng GMA Records, hosted by Papa Obet ng LSFM.

Pinuno at dumadagundong sa hiyawan ang buong Entertainment Plaza ng SM Fairview sa dami ng taong naroroon na as early as 10 a.m. ay nandu’n na at naghihintay sa pagdating ni Julie Anne San Jose.
Sold out nga ang album na ibinenta nang araw na iyon, dahil halos lahat ng taong naroon ay bumili, habang ang iba ay hindi lang isa kung hindi dalawa hanggang tatlo ang biniling album.
Sobrang saya nga ng mga taga-GMA Records na naroon sa pangunguna ni Ms. Michelle at ng handler ni Julie Anne na si Jay Jay at isa sa head ng GMA Artist Center na si Daryl Zamora sa dami ng taong pumunta.

 

At the grand opening of East of St. Louis Restobar
At the grand opening of East of St. Louis Restobar

East of St. Louis, bonggang restobar sa QC

ADVERTISING

Naging matagumpay ang grand ppening ng pinakabagong restobar sa Quezon City, ang East of St. Louis (E of SL) Restobar na matatagpuan sa Sgt. Esguerra St., Quezon City na pag-aari ng napakabait na si Tita Ma. Luna “Nene” Pelisco.
Malapit lang sa ABS-CBN ang East of St. louis Restobar kaya naman madaling puntahan. Bukod pa sa napaka-affordable ng mga pagkain at inumin dito na talaga namang masarap.
Dagdag pa riyan ang nightly regular singers na talaga namang A1 ang performance na puwede kang maki-jamming at puwede ring mag-videoke.
Ilan sa mga nakita naming dumalo sa opening ng East of St. Louis sina Tito Jun at Tita Komi Dela Cruz at pretty daughter nilang si Bianca, Kettle Pop, Gastro Pub owner Ms. Shirley Layug, Ms. Perez, at DZBB 594 Walang Siyesta anchor/ columnist/ talent manager John “Janna Chu Chu” Fontanilla.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING