Julie Anne San Jose, ‘di kawalan sa career ang loveteam nila ni Elmo Magalona

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, ‘di kawalan sa career ang loveteam nila ni Elmo Magalona

Julie-Anne-San-Jose- Elmo-MagalonaHINDI KO ini-expect na kakagatin ng puliko (lalo na ng younger generation) ang tambalan nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.

Sa katunayan, sa telebisyon, naging hit ang love team ng dalawa na maging sa pagtawid nila sa una nilang pelikula (sorry we forgot the title na dinirek ni Mac Alejandre) na personally ay nagustuhan natin dahil sa kasimplehan na sa paglabas namin ay may ngiti kami dahil feel good ang movie, hindi ini-expect na mag-hit ito sa takilya.

Mula nang ihiwalay si Julie Anne kay Elmo at ipareha ang binata kay Janine Gutierrez, na hindi kinagat ng mga fans (dahil sa lakas ng impact ng JuliElmo love team), this time gusto yata ng Kapuso Network na muling ibalik ang tambalan ng dalawa.

Sa pagkawala ni Elmo sa “career” ng dalaga, sa ganang akin, hindi naman nakaapekto ang absence ng binata sa showbiz career ng dalaga. Sa katunayan, hindi iniwanan si Julie Ann ng mga fans niya kahit mag-isa na lang siya.

ADVERTISING

Now na may plano ang GMA 7 management na ibalik muli ang tambalang Julie Anne-Elmo, parang unfair naman yata sa dalaga na magamit muli, porke’t sablay si Elmo sa recent ka-loveteam niya at aminin ng binata at ng kanyang kampo na nag-suffer ang kanyang career (kahit ang remake ng Villa Quintana ay waley naging impact).

Sa estado ng dalaga, kahit solo siya at walang ka-loveteam, I think she can exist na kahit kanino mo siya ipareha, her fans will love her na patunay lang ang suporta ng mga nagmamahal sa kanya dahil naging super-duper platinum (9x) ang self-titled album niya mula sa GMA Records with a sale of 135,000.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING