Julie Anne San Jose, deadma na lang sa death threats mula sa bashers

ADVERTISING

Julie Anne San Jose, deadma na lang sa death threats mula sa bashers

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

Aminado si Julie Anne San Jose na natatakot din siya sa kanyang bashers na nagpapaabot sa kanay ng death threats. Pero hangga’t ‘di naman daw nakalalapit ang mga ito sa kanya ay okey lang.
Tsika pa ng mabait na singer/ actress/ host na sobrang OA lang daw ‘yung ibang bashers na walang sawang naninira sa kanya nang ‘di niya alam kung ano bang nagawa niya sa mga ito at ganu’n na lang ang galit sa kanya.
Ayaw na nga lang daw nitong pansinin ang mga ito, dahil mas lalala pa kapag pinatulan. Mas binibigyan na lang daw nito ng oras ang kanyang career lalo na’t sunud-sunod ang mga proyektong ginagawa.
Bukod sa regular show nito every Sunday, ang “Sunday Pinasaya”, magkakaroon pa ito ng concert ngayong Mayo at sabay rin nito ang paglabas ng kanyang newest album under GMA Records.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING