Julie Ann San Jose, na-demote sa kontrabida role

Julie Ann San Jose, na-demote sa kontrabida role

Julie-Ann-San-JoseNAIMBIYERNA ANG fans ni Julie Ann San Jose sa chikang gagawing kontrabida ang dalaga sa soap nina Kylie Padilla at Martin del Rosario.

Ang chikang lumabas kasi, aapir bilang kontrabida ang dating screen partner ni Elmo Magalona, bagay na pinalagan ng fans ng dalaga.

Ang katuwiran nila, nagbida na si Julie Ann kaya malaking demotion kung gagawin siyang kontrabida sa bagong soap ng Siyete.

Oo nga naman, bakit nga naman gagawing kontrabida si Julie Ann gayong siya ang may pinakamalaking achievement sa mga bagets na performers ng GMA-7?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas