Julian Trono, torpe kay Kylie Padilla

ADVERTISING

Julian Trono, torpe kay Kylie Padilla

Julian Trono, torpe kay Kylie PadillaObvious namang type ni Julian Trono si Kylie Padilla pero wala pa siyang lakas ng loob na manligaw ngayon sa dalaga. Katuwiran niya, sikat na artista ang babaeng napupusuan niya at anak ito ni Robin Padilla. Inamin ng binata na close sila ng actress at masaya siyang kasama niya ito sa trabaho. Nagbi-build-up pa raw sila ng friendship ni Kylie para makilala nila ang isa’t isa.

ADVERTISING

Para kay Julian Trono, okay lang na friends sila ni Kylie, huwag daw madaliin ang mga bagay- bagay. Kung dumating daw ‘yung time na ready na siyang ligawan ang dalagang anak ni Binoe, magiging vocal ito sa totoong feelings niya kay Kaylie. They’re both happy sa friendship na mayroon sila ng actress.

Alam ni Julian na hindi pa ready si Kylie Padilla for another relationship after her break-up with Aljur Abrenica. Minsan nang binigyan ng warning ni Robin ang dalagang anak after ng split-up nito sa actor. Huwag raw ipakikilala ni Kylie sa kanya kung sinuman ang susunod na magiging boyfriend ng anak kung hindi rin lang nakasisigurong pakakasalan siya nito.

Marami pang dapat patunayan si Julian as a person and as an actor. Kailangang ipakita niya kay Kylie at sa action superstar na karapat-dapat siyang maging boyfriend in the near future kung sakaling ma-in love ito sa kanya.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING