Julian Trono, pasisikatin ng Korean producer sa Asya at Amerika

ADVERTISING

Julian Trono, pasisikatin ng Korean producer sa Asya at Amerika

Julian-TronoHINDI MAIPALIWANAG ang sobra-sobrang kasiyahan ng GMA teenstar na si Julian Trono dahil siya ang kauna-kaunahang Filipino na naka-penetrate sa Korea, kung saan bukod sa training nito sa nasabing bansa, nag-shoot din ito roon ng kanyang music video para sa una niyang single na “Wiki Me” na ginawa sa Kimpo College.
Siya rin ang kauna-unahang teen star na nagkaroon ng TV guestings sa sikat na Korean music show na Show The Champion.
Na-feature din si Julian sa Korea Today ng Arirang Channel, isang news magazine program sa Korea, ganu’n din sa TV Chosun at iba pang Korean print media.
Sana nga raw ay matuloy ang plano ng kanyang Korean producer na ililibot siya sa mga Asian countries at sa Amerika, at gagawin daw nito ang lahat-lahat para sumikat si Julian sa buong mundo katulad ng ibang Korean singers.

ADVERTISING

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING