Julian Estrada, naka-move on na raw kay Julia Barretto

ADVERTISING

Julian Estrada, naka-move on na raw kay Julia Barretto

Julia-Barretto-Julian-EstradaISANG BAGONG pelikula ng Spring Films ang magpapakilig sa mga teenagers at ng young heart, ang Relaks, It’s Just Pag-ibig na pinagbibidahan ng mga bagong pangalang aabangan at kapapanabikan sa showbiz sina Julian Estrada, Sofia Andres ang Iñigo Pascual. Almost one year in the making na kinunan sa Leyte.

ADVERTISING

First movie ni Julian ang “She’s Dating The Gangster” with Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Under siya ng Star Magic Batch 2013. Bukod sa pag-arte, mahusay rin siyang umawit at sumaya. Ayon sa young actor, hindi raw ganu’n kadali para ma-convince agad ang kanyang parents na payagan siyang mag-artista. Pangako ni Julian, magiging priority niya ang pag-aaral kaya’t  mina-manage niyang kayanin ang showbiz at school dahil dream niyang maging isang sikat na actor in the near future.

In fairness kay Julian, super guwapo, boy-next door ang rehistro ni Julian on the big screen. Pambida ang dating niya sa amin. Perfect combination nina Precy at Jinggoy Estrada ang profile ng mukha ng young actor. Talaga namang kikiligin ang mga fans sa bagong iidolohin ng masa.

Palibhasa tungkol ito sa tatlong teenagers na naniniwalang mayroong ‘true love’ kaya napag-usapan ang relationship nina Julian at Julia Barretto kung totoong naging sila? Diretsong inamin ng young actor, “Oh God, yes. Now, we’re close friends. I feel proud of her, she has a lot of projects right now, ” sagot ni Julian. After their break-up, naka-move-on na raw ang binata. If ever may follow-up movie si Julian, willing itong tanggapin agad. Pero depende raw ‘yun sa kanyang Mommy Precy at Daddy Jinggoy kung papayagan siya.

ADVERTISING

Nagsimulang commercial model si Sofia bago ito nag-artista. First teleserye niya ang Princess & I at first movie niya ang She’s Dating The Gangster.

Hindi pa man nag-aartista si Iñigo Pascual, marami agad siyang hukbo ng tagahanga. Nand’yan ang amang si Piolo Pascual na palaging nakasuporta sa 17-year old na singer/dancer. Kinakitaan ng galing sa pag-arte sa Relaks, It’s Just Pag-ibig na idinirek nina Antoinette Jadaone and Irene Villamor. Ready na rin ang young actor na harapin ang intriga sa showbiz.

Inamin ni Sofia mas pipiliin niyang maging boyfriend si Iñigo kaysa kay Julian. Balita ngang may mutual understanding na raw sina Sofia at Iñigo while doing the movie, how true? “We’re closer than friends. We have special relationship. We’re still too young… We have something for sure… We’re not taking seriously. We both know we’re we stand. We have mutual understanding. We take things slowly, making this thing priority, establish stronger friendship and a good stronger relationship,” pahayag ng anak ni Papa P.

Gusto ni Iñigo ang pagiging out going ni Sofia at pagiging friendly nito. Pinakilala na pala ng young actor ang dalaga sa kanyang Daddy Piolo. “He’s supportive naman po pero it’s not something we’re taking seriously,” say ni Iñigo.

Okay lang kay Papa P na magka-girlfriend ang anak niya. May mga bagay na napag-usapan ang mag-ama. ” After high school,  we spent time together. ‘Yun ang deal namin. Sinabi niya na magre-retire siya after a year and a half, but we still don’t know if that’s gonna happen. We’re planning travelling po, spending time together. Nan’dyan naman siya palagi kapag may event ako sa school. Hindi ko na-feel na nawala siya sa life ko, palagi siyang nand’yan. He’s always there for me…”

Ikinuwento ni Iñigo na nagka-girlffriend na rin siya sa States. “Sa States, when you have a relationship, parang hindi seryoso. I feel like a kid there at young age just like a game. Not a game, mabilis silang mag-move…”

Nagbigay rin ng advice ni Daddy Piolo kay Iñigo pagdating sa babae. “Ganito po ‘yung napag-usapan namin. We’re not taking it seriously. Parang joke lang… Sabi niya, look for a girl, don’t look for one thing, kasi it doesn’t come in a package. No one is perfect. Just always look for someone to make you happy.”

Magiging happy kaya si Iñigo magkaroon uli ng girlfriend ang Daddy niya? “To be honest, I want him to be happy. Someone not in showbiz, he deserve that… Kapag nasasaktan siya, nasasaktan rin po ako,” sabi ni Iñigo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING