Julian Estrada, ‘di suplado at ‘di snob sa fans

ADVERTISING

Julian Estrada, ‘di suplado at ‘di snob sa fans

Julian-EstradaISANG KUWENTO ang nasagap namin kaugnay sa isa sa lead actor ng kapalalabas pa lang na pelikulang Relaks, Its Just Pag-Ibig na si Julian Estrada.
Kuwento nga ng aming kausap, sobrang bait daw at very approachable ng anak ni Senator Jinggoy Estrada na nakita nila sa isang lugar sa The Fort.
At kahit nga raw busy ito kasama ang kanyang mga kaibigan, lumapit ito sa mga fans na tumatawag sa kanya para magpalitrato at makipag-usap. Dagdag pa ng aming source, na ang katulad daw ni Julian ang dapat sumikat dahil hindi snob sa fans at mabait.
Hindi pa nga raw nagtatapos sa pagpapalitrato at nagawa pang yakapin ni Julian ang naturang mga Fans bago umalis ang mga ito. Kaya naman nangako raw ang naturang mga fans na susuportahan nila si Julian at uulut-uliting panoorin ang Relaks, It’s Just Pag-ibig bilang suporta nila sa mabait at guwapong teen actor.

June-Macasaet-Jaime-Acosta-Stephany-EtefanowitzFRESH FROM Winning the Asia’s Top Male Fashion Model 2014 na ginanap sa China, isa si 2012 Manhunt International at image model ng New Placenta for Men na si June Macasaet along with Miss Earth Air 2012 at image model of New Placenta na si Stephany Stefanowitz sa nag-welcome sa ilang Miss Earth 2014 candidates na pumasyal sa planta ng New Placenta.
Kasama ni June at Stefany ang CEO/President ng Psalmstre, makers ng New Placenta at Olive C, na si Mr. Jaime Acosta, na nag-welcome sa mga candidates ng Miss Earth 2014.
Part nga ng naging pahayag ni Mr. Jaime Acosta na “Our brand will always support Miss Earth Pageant, not only for its prestige but for its noble thrust to protect and care for the environment.
“As we open our doors each year to the candidates, we are renewing our brand’s commitment to be their partners in advocating for the care and protection of the environment. Good luck to this year’s roster of candidates!”

Bing-Cristobal-Shamcey-SupsupMAGAGANAP ANG bonggang-bonggang fashion show sa Nov. 15, 2014, 7pm, mula sa top fashion designer sa bansa na si Mr. Bing Cristobal. Ito ay isang red carpet benefit show para sa Bantay Bata na magaganap sa Eton Centris.
Ilan sa rarampang modelo ay ang mga sikat na Models at Beauty Queens Like Shamcey Supsup, Ariela Arida, Venus Raj, at marami pang iba.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING