Julian Estrada, ‘di babawiin ang pagbubulgar ng relasyon nila ni Julia Barretto

ADVERTISING

Julian Estrada, ‘di babawiin ang pagbubulgar ng relasyon nila ni Julia Barretto

Julian-EstradaLUMIKHA NG ingay ang pag-amin ni Julian Estrada, bunsong anak na lalaki ni Senator Jinggoy, na nagkaroon sila ng relasyon noon ni Julia Barretto.

Sa ginawang pagbubulgar ni Julian, nagkaroon ng iba’t ibang isyu na kesyo pinababawi raw ng Star Magic ang naging pahayag niya sa ginanap na grand launching ng movie nila nina Iñigo Pascual at Sofia Andres. Nagalit daw si Marjorie Barretto, mother ni Julia.

Ikinagulat tuloy ito ng binatilyo, at kaagad na sinabing, “No, that’s not true. Nag-sorry ako kay Tita Marjorie after what happened.”

Ang naging tugon naman daw sa kanya ng ina ni Julia ay maging maingat sa susunod. In good terms pa rin raw sila ng Pamilya Barretto.

ADVERTISING

Sa isyu naman na pinababawi raw sa kanya ng Star Cinema, ang naging pahayag niya?

“No! They told me to say sorry to Julia,” paglilinaw ni Julian.

Humingi na rin ng sorry si Julian kay Julia pagkatapos ng presscon. Naging totoo lang daw kasi siya, dahil sa pressure na nadama niya sa nu’ng presscon. At tinanggap naman daw ng teenager na anak ni Marjorie kay Dennis Padilla ang pagso-sorry niya.

Ang dahilan ng break-up nila ni Julia ay para mag-focus sa kanilang showbiz career. Aside sa showbiz career, todo-focus din si Julian sa studies.

First movie ni Julian ang Relaks It’s Just Pag-ibig bilang teenager dahil nang isama siya ng amang si Sen. Jinggoy sa Katas ng Saudi ay batang-bata pa siya.

Nakasuporta sa showbiz career ni Julian, ang kanyang lolo na si former President Joseph Estrada na ngayon ay mayor ng Maynila.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING