Julia Montes, tototohanin na ni Coco Martin!

ADVERTISING

Julia Montes, tototohanin na ni Coco Martin!

Julia Montes, tototohanin na ni Coco Martin!NA-SURPRISE NANG husto si Julia Montes sa revelation ni Coco Martin na meron siyang gusto sa dalaga.

Unexpected naman kasi ang sinabi ni Coco na type niya ang beauty ng kanyang Walang Hanggan leading lady. Parang isa itong malaking tanong sa marami.

But as it is, mukhang paninindigan ni Coco ang kanyang sinabi na hihintayin niyang mag-eighteen si Julia bago niya ligawan.

Na-develop ba si Coco dahil sa halos araw-araw niyang kasama si Julia sa taping ng Walang Hanggan?

ADVERTISING

O baka naman isa itong malaking gimik para sa movie nila na next year ipalalabas.

With his admission, ano kaya ang mapi-feel ni Enchong Dee na very vocal sa pagsasabing matindi ang tama niya kay Julia?

Ang haba talaga ng hair ni Julia, ‘no? Imagine, dalawang binata ang nahuhumaling sa beauty niya.

 

Julia Montes, tototohanin na ni Coco Martin!SHIRLEY KUAN, manager of Maricel Soriano, had us laughing.

Matapos kasi niyang i-disapprove ang pagdalo ng magaling na writer na si Arnel Ramos sa fans’ day ni Maricel ay bigla niya itong binawi.

Initially, ayaw niyang umapir si Arnel all because she doesn’t know him. One more thing, baka raw magalit sa kanya ang kanyang press-friends from showbiz kapag nalaman nilang si Arnel lang ang invited. It was such a lame excuse, ‘no?

Arnel got the invite from an avid Maricel fan who thought that having him in the event will be great since he’s written a plethora of articles about the actress.

Kaya lang bigla itong hinarang ni Shirley. Nakatangap ng tawag si Arnel mula kay Veanna Fores, isa sa mga close kay Maricel, at sinabi nitong nagdadalawang-isip si Shirley kung papuntahin siya dahil unang-una ay hindi niya ito kilala at malalagot daw siya sa mga movie writer na friends niya kapag si Arnel lang ang inimbita sa affair.

We’re amused that Shirley doesn’t know Arnel because he’s the former associate editor of Star Studio magazine and contributor sa Philippine Star. He also writes for Malaya and TV 5 online.

Where have you been all these years, Shirley?

Ang higit pang nakatatawa ay binawi ni Shirley ang salita niyang ‘wag nang isama sa guest list si Arnel. Puwede na raw itong pumunta. Kaya lang, kailangan ay mag-isa lang ito. Ayun, hindi pinasama ni Shirley ang writer-friend ni Arnel na si Ces Evangelista.

With that, Arnel decided not to attend na lang the event. What for nga naman? Hindi naman niya kailangang ipagsiksikan ang sarili niya, ‘no!

Kung ayaw ni Shirley, eh, ‘di ‘wag. Hindi naman kawalan kay Arnel ‘yun, ‘no!

Parang hindi nag-iisip itong si Shirley. Unang-una, Arnel, being a big fan of Maricel, will not write anything unsavory about Marya. Isa pa, parang binastos na rin niya ang avid Maricel fan na nag-invite kay Arnel when she decided to go against it.

 

THERE’S ANOTHER Shirley na medyo kinairitahan din ng isang movie scribe.

We’re talking about Shirley Pizzarro who was tasked to invite the entertainment media sa grand presscon ng movie nina Vic Sotto, Bong Revilla at Judy Ann Santos.

Of course, she invited all her friends. Hindi invited ang veteran scribe na si George Vail Kabristante, close friend ng mga Revillas.

George had the temerity to call Shirley and asked her why he seems to be left out sa mga invite sa presscon ng movie nina Bong when he was very supportive of the actor-politician.

Ayun, bigla na lang siyang pinapunta ni Shirley sa presscon nang ura-urada.

Two Shirleys, two movie scribes and two tales of snobbery. Hindi ba’t ang taray!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING