Julia Montes, panahog na lang sa Coco Martin-Kim Chiu tandem?

ADVERTISING

Julia Montes, panahog na lang sa Coco Martin-Kim Chiu tandem?

Julia-MontesNAGRE-REACT ‘YUNG KimXi fans nina Kim Chiu at Xian Lim, dahil ba’t daw hindi sila bigyan ng teleserye. Sa halip, si Kim at si Coco Martin ang itinambal dito sa Ikaw Lamang na umpisa na sa March 10 sa primetime bida ng ABS-CBN.

Kahit ang mga CocoJul o Coco-Julia Montes, ilan sa kanila ay nagre-react dahil ba’t daw isinahog si Kim sa kanilang idol?

Sana, maintindihan nila na ‘pag ang ulam mo araw-araw ay kare-kare, mananawa ka rin at maghahanap ka ng sinigang. Ibang putahe naman sina Coco-Julia-Kim na binansagan naming “Co-ia-kim.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING
ADVERTISING