Julia Montes nagsimula nang mag-taping sa ‘Ang Probinsyano’

Leo Bukas

KAAGAD na nag-viral sa social media ang pictorial nina Coco Martin at Julia Montes na pinost ng Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal na may caption, “We are all excited! Coming very soon! Coco Martin & Julia Montes in FPJAP!”

Julia Montes nagsimula nang mag-taping sa ‘Ang Probinsyano’
Coco Martin and Julia Montes
Puro positibo ang reaksyon dito ng netizens na halatang excited ding mapanood si Julia sa longest-running teleserye sa Philippine television na pinagbibidahan at idinidirek ni Coco.
Nag-ala Mr & Mrs. Smith (pelikula nina Angelina Jolie at Brad Pitt) ang dalawa sa kanilang pictorial na ang astig ng dating. Nagkasama sina Angelina at Brad sa naturang pelikula na  eventually ay nauwi sa pag-iibigan.

Kahapon, August 15 ang unang araw ng taping ni Julia sa “FPJ’s Ang Probinsyano.” Out of town ito at ginanp sa isang resort sa Ilocos Sur.

Nag-post din ang Dreamscape ng  video na naghahanda ang buong staff and crew para sa taping ng serye.

“Good morning day 1, this is it!” post ni Julia.  Makikita naman  sa background sina Angel Aquino at Shaina Magdayao.

Nag-post din ang Coco-Julua fans ng eksenang naka-motor ang aktres at may nakasukbit sa likod niya. May caption ito na, “Mara the Slayer.”

Ano nga kaya ang magiging role ni Julia sa FPJAP? Magiging kakami kaya siya ni Cardo Dalisay o magiging mahigpit na kaaway?

Well, abangan na lang natin.