Julia Montes, kahit anong role, kayang gampanan

Julia-MontesPINABILIB NA kami ni Julia Montes sa performance niya noon sa seryeng Ikaw Lamang at Walang Hanggan ng ABS-CBN with Coco Martin bilang kapartner niya kaya alam naming kahit anong role ang ibigay sa kanya, kakayanin niya.

True enough, nang mag-guest siya sa MMK playing the role of a mistress na inalagaan ang unang asawa ng kanyang mister, muli na naman siyang nag-shine as an actress. She’s really an “actress” in the real sense of the word, huh!

Now Julia is up for another challenge bilang bida-kontrabida ng seryeng Doble Kara na prinodyus ng Dreamscape para sa Kapamilya Gold timeslot. Nakita na namin ang trailer nito at malaking hamon for Julia to portray a dual role. Hindi lang kami sure kung kambal ba sila o magkamukha lang.

Doble Kara is Julia’s biggest break to date. Bale, dalawang Julia ang mapanonood dito ng televiewers kaya excited din kami kung paano niya ipo-portray ang pagiging “bad girl”.

Anyway, makakasama ni Julia sa cast ng Doble Kara sina Carmina Villarroel na fresh pa from the success of Bridges of Love, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Edgar Allan Guzman, Anjo Damiles, at ang multi-awarded actor na si Allen Dizon.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articlePiolo Pascual, ‘nabahala’ matapos mapanood ang kanyang indie film
Next articleMartin Nievera, walang balak magpahinga sa showbiz

No posts to display