Julia Montes, ipapares kina Coco Martin at Paulo Avelino!

ADVERTISING

Julia Montes, ipapares kina Coco Martin at Paulo Avelino!

Julia Montes, ipapares kina Coco Martin at Paulo Avelino!TOTOO KAYA ANG tsikang pagkatapos ng pelikulang Way Back Home at teen-oriented show na Growing Up ay pansamantalang maghihiwalay ng landas ang Mara Clara stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes?

Kung si Kathryn ay magkakaroon ng isa pang pelikula sa Star Cinema kasama ang ibang artista, si Julia Montes naman ay igo-groom na ng Kapamilya Network bilang isang ganap na leading lady sa isang teleseryeng pang-primetime. Ang bongga pa rito, si Coco Martin daw ang magiging katambal ng dalaga. Isang action-drama ang nakatakda diumanong pagbidahan ng dalawa at pasok din sa cast ang Starstruck avenger-turned-Kapamilya hunk actor na si Paulo Avelino.

In fairness, may potensyal ang love triangle na ito kung sakaling matuloy, huh? May kailangan kayang ipag-alala ang live-in partner ni Paulo na si LJ Reyes sa kaseksihan ng isa sa pambatong prinsesa ng Dos?

Intrigahin ba?!

ADVERTISING

 

KATRINA HALILI, NABIGLA SA PAGKAKATSUGI NIYA SA ‘MUNTING HEREDERA’!

Puring-puri ng mga manonood ang performance ni Katrina Halili bilang Lynette, isa sa pangunahing kontrabida ng Munting Heredera dahil sadyang nakakainis talaga ito sa programa. Ikinabigla ng lahat ang napipintong pagkatsugi nito sa programa.

Itinanggi naman ng aktres na nagkaroon ito ng problema sa set at all praises pa nga ang direktor nito na si Maryo J. Delos Reyes. Wala pa namang balita kung magkakaroon ba ng bagong programa ang sexy actress kaya biglang pinaslang ang karakter nito.

Guminhawa naman ang pakiramdam ni Chiqui (palayaw ni Katrina Halili) sa desisyon ng PRC na i-revoke ang license ng ex-dyowa niyang si Hayden Kho. Jr. Matatandaang naging isang malaking eskandalo ang pagkakadawit ng dalawa sa isang sex scandal. Gusto nang mag-move on ng dalaga at mukhang makakatulong ang bagong development nito sa kanyang inaasam na peace of mind.

 

ANGEL LOCSIN, PUSPUSAN ANGPAGPAPASEKSI PARA KAY LLOYDIE!

Halatang masayang-masaya ngayon si Angel Locsin sa kanyang career at lovelife. Wala man siyang regular TV program sa Dos, niluluto naman ng star Cinema ang first movie team-up nila ni John Lloyd Cruz na nakatakdang ipalabas sa November.

Kung puno ng aksyon at iyakan ang Imortal, tiyak na kilig at romansa naman ang ibabahagi ng dalawa sa kanilang bagong pelikula. Bilang preperasyon para sa nasabing proyekto, siniseryoso ng aktres ang pagpapapayat. Ayon sa kanya mismo, iniiwasan na nito ang intake ng rice. Kahit pork at beef ay sinusubukan niyang iwasan.

Mapapansin sa huling pelikula nito kasama si Aga Muhlach na ‘In The Name of Love’ na lumusog sa big screen ang aktres. For sure, dudumugin pa rin ng madlang pipol ang movie ng dalawa sa tinitingalang product endorsers ngayon.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING